Chapter 10: Immortality

18 1 0
                                    

Khyrel's POV

Hindi agad ako nakatulog kagabi dahil sa tinawag sa'kin ni Kyrusin. Yun kasi ang tinawag sa'kin nung lalaking palaging sumusunod sa'kin. Alas syete na ng umaga, handa na ako. Naghihintay nalang ako na may bubukas sa pinto at sasabihing, 'Miss Akii andiyan na po sila sa labas hinihintay ka.'

O diba char langs haha!

Kanina pa din gising 'tong lima. Si Asher, Selena at Amber nagbabasa ng libro habang si Mona at Luna naman ay nagkukwentuhan.

"Wala pa din ba sila? Ang tagal naman." Parang si Mona pa ang mas naiinip kesa sa akin.

"Chos! Gusto mo lang makita si Kyrusin eh." Asar naman ni Selena sa kanya.

"A-ano? H-hindi ah!"

"Hindi daw! Kaya pala todo make over ka kahit ang aga pa. Pwe! Wag ako Mona wag ako!" Maarte naman na sabi ni Asher sabay nag flip-hair.

"Oo nga, parang mas handa ka pa kesa kay Khyrel eh. Ikaw ang sasama ghorl? ikaw ang sasama?"

Nagtawanan kami sa sinabi ni Amber. Sumama tuloy ang mukha ni Mona haha! Mayamaya ay may biglang kumatok sa pinto. Agad namang tumayo si Mona at tumakbo papunta sa gawi ng pinto. Inayos niya muna ang buhok niya bago ito binuksan. Natawa nalang ako ng palihim.

"Ano po ang pakay nila?" Tsh! Pabebe niyang sinabi yan.

Bakas naman ang gulat sa mukha ni Kyrusin kaya hindi ko napigilan ang matawa.

"A-ah hi? Andyan ba si Akii?"

"Andito sa loob, halika pumasok ka muna—"

"Ahh wag na wag na. Sinundo ko lang si Akii dito upang. . ."

Lumapit ako sa kanila.

"Akii! Tara na?" Todo ngiting sabi ni Ky-ky.

"Tara. Ahh guys mauna na ako ah. Kitakits nalang mamaya."

"Sige ingat kayo sa daan Akii! Bye!" Sabi nila at lumabas na ako sa pinto.

Sinulyapan ko si Mona na nakasimangot lang sa harap ng pinto. Ang cute niya haha!

"Bakit hindi mo pinansin?" Tanong ko kay Ky-ky.

"Eh? Sino?"

"Tsh! Si Mona lol."

"Yung babae sa may pinto kanina? Nag-hi naman ako sa kanya ah."

"Hmmm."

"Sorry na kase, alam mo naman na mahiyain ako pagdating sa mga babae."

"Eh? Bakit sa'kin hindi ka nahihiya?"

"Ewan ko nga, yun nga din ang tinatanong ko sa sarili ko kahapon. Bakit nga ba? Ewan ko lang talaga basta bigla nalang ako naging komportable sayo."

"Ay ganern?"

"Ganern talaga."

"Okay sabi mo eh, tara."

Naglakad na kami palabas ng school. Nagtaka ako nang walang kotse o kahit ano na masasakyan namin.

"Saan yung sasakyan?" Tanong ko.

"Nag suggest ako kay madame na maglakad na lang tayo para mas masaya."

"Mas nakakapagod ba kamo."

Natawa nalang siya at napakamot ng ulo.

"Tsk, tara na nga. Ay teka, asan na ba si Thom?"

Immortal High: A Bloody LoveWhere stories live. Discover now