Chapter 5: Getting To Know Me

17 1 0
                                    

Khyrel's POV

Ang laki laki naman ng library'ng ito. Saan ko ba makikita ang librong hinahanap ko?

'Magtanong ka dun sa librarian.'

Huh? Sino yun? Parang may bumulong sa tenga ko. Tinignan ko ang likod ko, wala namang tao. Naku! Baka may multo dito.

'Walang multo sa library Khyrel. Tsaka ako ito, si Asher.'

"Asher? Asa'n ka?"

'Shhhh! Wag ka ngang mag ingay baka mapagalitan ka pa sa librarian dyan. Andito ako sa room. Nakipag usap lang ako sayo through telepathy. Diba sabi ko naman sayo na kapag kailangan mo ng tulong, to the rescue ako-kami.'

"Ahhh, oo nga pala. Salamat. Wala ba kayong klase?" Siguro kong may nakakita sakin dito ngayon sasabihin niyang baliw ako. Eh parang kinakausap ko sarili ko eh.

'Meron nga, kaya nga magpapaalam na ako. Kita nalang tayo mamaya. Pag may kailangan ka magtanong ka lang dun sa librarian, okey? bye!'

"Ahh, sige bye." Yun lang at hindi ko na narinig pa muli si Asher.

Napaisip nalang ako, kung anong klaseng paaralan to at bakit natuto mag telepathy si Asher. Ang astig lang kasi.

Sinunod ko ang sinabi niya. Pumunta ako sa librarian desk. Pero pagdating ko dun, wala namang tao dito eh.

"Ahhh, tao po-"

"Ano po ang kailangan nila?" Nagulat nalang ako nang may matandang lalaki na biglang sumulpot sa tabi ko. Teka hindi ko naman siya nakita dito kanina ah. San ba siya galing?

"Ahh, magandang umaga po. Uhmmm, magtatanong lang po sana ako kung saang shelf nilagay ang libro tungkol sa mga impormasyon tungkol sa paaralang ito."

Kumunot ang noo niya at tumaas ang kaliwang kilay.

"Bago ka ba dito?"

"A-ahhh oo po. Actually kaka-transfer ko lang dito-"

"Teka, ikaw ba ang anak ni Akira?"

'Teka kilala niya si Mom? Bakit ba andaming nakakilala nila Mom at Dad dito? Dito ba sila nag aaral noon?'

"O-oo po. Pano niyo po nakilala si Mom?"

"Bookworm yung Mommy mo. Palagi siyang pumupunta dito sa library para magbasa ng mga novels noong nag aaral pa siya dito."

"So nag aaral nga siya dito noon? No wonder maraming nakakilala sa kanya."

Kumunot muli ang noo niya.

"Hindi pa ba naikwento sayo ng Mommy mo ang tungkol sa lugar na ito?"

"Hindi po, bakit? Ano po ba talaga tong lugar na ito?"

Nagsimula siyang maglakad ng mabagal, sumunod lang din ako sa kanya.

"Itong lugar na ito ay ang lugar ng mga immortal."

Natigilan ako. Akala ko pangalan lang yun ng founder ng school na ito kaya naging Immortal High, eh hindi ko inexpect na literal pala na immortal ang mga andito.

"Pero wag kang mag alala, hindi kami nananakit. Alam ko naman na kapag sinabing immortal, halimaw kaagad ang pumasok sa isip ng mga tao." Patuloy niya.

"So. . .ibig din bang sabihin na, sina Mom at Dad ay. . ."

"Yes, iha. Pero wag kang matakot, mabuting tao ang mga magulang mo. May rason sila kaya hindi nila sinabi sayo. At malalaman mo din yan sa tamang panahon."

Immortal High: A Bloody LoveWhere stories live. Discover now