Chapter 2: Goodbye

28 1 0
                                    

Khyrel's POV

Dumaan ang dalawang araw na yun lang ang nasa isip ko. Hindi din ako nakatulog ng gabing yun. Nagtataka ako. Nagtataka ako kung bakit niya ako sinusundan. Nagtataka ako bakit kilala niya si Mom. Nagtataka ako kung bakit parang alam ni Mom? Nagtataka na din ako sa mga kilos nila Mom at Dad.

Ano bang nangyayari sa paligid?

Tuwing papasok ako sa school ihahatid na ako ni Dad. Nagpretend nalang ako na wala lang yung mga ginawa nila pero sa totoo lang sobrang nagtataka na ako sa mga inakto nila. Why all of the sudden they became alert?

Parang pinoprotektahan nila ako sa hindi malaman kong sino. Yung lalaking yun ba? Babalikan niya ba ako? So hindi ko nga imagination yun? Aaaahhhh! Ang sakit sa ulo! Para na akong mababaliw.

Lunchbreak na kaya nagtungo na kami ni Charlotte sa canteen. Nag order kami at kumain. Hindi ko na nararamdaman na parang may sumusunod sa akin pero ayokong magpakampante. Panay ang paglinga linga ko sa paligid.

"Alam mo Akii, nawe-weirdohan na ako sayo nitong nga nakaraan ah."

"Panong nawe-weirdohan ba?"

"Eh kapag magkasama tayo panay ang linga mo sa paligid gaya ngayon. Tsaka isa pa, bakit palagi kang hinahatid sundo ng Dad mo?"

Bumuntong hininga ako. "Charl, totoo nga kasi yung lalaking nakita ko. Palagi niya daw ako sinusundan buhat noong bata pa raw ako. At ang nakakapagtataka pa, kilala niya si Mom. Sabi pa nga niya 'tss, you sounded like Akira'."

"Eh sino daw yon? Baka naman kaibigan lang ng Mommy mo?"

"Eh sabi niya sa'kin na siya daw ang worst nightmare ko."

"What?!"

"Creepy right? At alam mo, after nangyari yun napansin ko na naging alert sina Mom. May narinig pa nga akong may sinabi si Mom na 'Wala na tayong oras Khyber, kailangan na natin siya dalhin dun mas ligtas siya dun.' Eh hindi ko naman alam ang pinag uusapan nila pero sigurado ako na ako yung tinutukoy nila. Umalis nalang ako at nagpunta sa kwarto ko kasi baka mapagalitan pa ako ni Mommy na nakikinig ako sa usapan nila."

"Sino ba kasi talaga yun?"

"Hindi ko nga din alam."

Nagpatuloy nalang kami sa pagkain at bumalik na sa room pagkatapos.

***
Tapos na ang klase, maagang natapos kasi may meeting daw ang mga teachers namin. Pagdating ko sa gate, gaya ng inaasahan ko wala pa si Dad. Eh ang aga nga kasi natapos, alas kwatro palang oh.

'Khyrel Akii, wag kanang duwag please. Harapin mo na yang mga kinakatakutan mo.'

Huminga ako ng malalim at nagsimulang maglakad pauwi. Dating gawi, nag hum ako ng favorite song ko, kanta ni Taylor Swift na 'Fearless'.

Lumiko ako at bahay na namin. Sana naman hindi na maulit yung nangyari. At nagtagumpay nga ako! Nakarating ako sa bahay safe and sound.

'I'm proud of  you self!'

Binuksan ko na ang pinto at pumasok na sa loob. Walang tao sa sala, ganun din sa kusina. May narinig akong nagsisigawan sa itaas. Nasa kwarto siguro sila.

Umakyat ako at mas narinig ko pa ang sigawan nila.

"Khyber, di mo ba napapansin? Lumalabas na ang kapangyarihan niya! Kailangan na niya matutunan pano yun kontrolin at gamitin!"

"Eh ayoko pa nga mapalayo sa anak ko, Akira!"

"Bakit ginusto ko din ba ang mapalayo sa kanya? Khyber isipin mo naman ang kaligtasan ng anak natin. Malapit na siya mag 18 at alam kong naghahanda na sila. Kaya ito ng anak natin. Alam ko yun, kaya niya silang talunin."

Immortal High: A Bloody LoveDär berättelser lever. Upptäck nu