Chapter 11: The Alpha Is Back

27 1 0
                                    

Khyrel's POV

Matagal kaming nagkatitigan. Wala akong makapa na mga salita. Nagpaulit ulit sa utak ko yung sinabi niya kanina.

'You're back! You're finally back. Sa wakas, twelve years kitang hinintay. At ngayon andito ka na. I missed you.'

So...ibig sabihin, nagkakilala na kami before? Andaming tanong na umiikot sa utak ko pero pareho kaming dalawa na tahimik lang at nakatingin sa isa't isa. Panay ang ngiti niya sa'kin, halata talaga na namiss niya ako. Habang ako naman ay nagtataka at kating kati na na makakuha ng sagot. Magsasalita na sana ako nang biglang may tumawag sa'kin kaya napatalon kaming dalawa sa gulat.

"Akii?! Akii, asan ka na?! Shit!"

Narinig kong tumakbo na naman si Ky-ky at batid kong hinahabol na naman siya kasi may narinig akong mga yabag na nagtatakbuhan.

"Shit..." napatayo ako para puntahan si Ky-ky. Kailangan ko siyang tulungan.

Nabigla ako nang akmang tatakbo na ako pero hinawakan ng babae ang kamay ko. She gave me a smile, parang pinaparating na siya na ang bahala.

Sabay kaming tumakbo, hinawakan niya pa din ang kamay ko at nakasunod lang ako sa kanya, hinahayaan siyang hilain ako. I don't know why but I feel comfortable with her all of a sudden.

Huminto kami sa may mga puno na nakabend kaya parang na form ito ng 'X'. Naririnig ko pa rin ang mga yabag pero hindi ko matukoy kung kanino. Panay ang palinga linga ko sa paligid, hinahanap sila pero wala akong makita. Ngunit ang mga naririnig kong nagtatakbuhan ay parang nasa tabi lang namin.

"What's wrong?" She asked, worried.

"W-wala, saan na ba sila?"

"I will call them-"

"Baka nasa malapit lang sila. Naririnig ko mga apak nila eh. Pero wala naman akong nakita."

My brows furrowed when I heard she chuckles. What's funny?

"You're really are the Khyrel Akii I know." Umiiling iling siya at nagitla ako nang bigla siyang nag howl.

Ilang saglit pa ay mas lumakas ang mga naririnig kong mga yapak sa mga tuyong dahon. Napatingin ako sa harapan ko at pinanliitan yun ng mata. Nagliwanag ang mukha ko nang nakita ko si Ky-ky papunta sa direksiyong namin. Nagsitakbuhan na din ang ibang lobo na humarang samin kanina papunta sa direksyon namin ng babae.

Agad na lumapit si Ky-ky sa'kin, "Akki, are you okay? Are you hurt? Did she hurt you?"

Natawa ako ng bahagya dahil sa reaction niya. Ang cute lang. I shook my head, "I'm fine, she didn't eat me." I chuckled.

"I'm serious here," Sumeryoso nga ang mukha niya kaya umayos ako ng tayo at sumeryoso rin. Inakbayan niya ako at hinila palapit sa kanya. "Sino kayo? What do want from us? Si Spade ba ang nag utos sa inyo?" Galit na sabi ni Kyrusin.

I heard the girl scoffed kaya napatingin kaming dalawa ni Ky-ky sa kanya. I still can't believe na kilala niya ako tapos parehas pa kami ng birthmark at parehas din ang location kung saan ito. Baka mamaya Immortal enemy ko pala to.

"Stupid, why would that bastard order us to attack our Alpha?"

Kumunot ang noo ni Ky-ky halatang naguguluhan sa sinabi ng babae. She's weird! At the same time cool.

"A-anong sinasabi mong Alpha?" Sambit ni Ky-ky.

"Wait, Twila, ibig sabihin itong babaeng 'to ang..." Hindi na natapos ang sinabi ng kasamahan niyang lalaki.

Immortal High: A Bloody LoveWhere stories live. Discover now