Chapter 6: Meets The Power Duo

13 0 0
                                    

Khyrel's POV

Grabe nakakabaliw ang lahat ng mga nalaman ko. Lumabas na ako sa library matapos ang storytelling ni lolo Van at nagpaalam na sa kanya. Ewan ko lang kong milagro ba ito dahil hindi ako naligaw. Nakarating ako sa kwarto namin na ako lang mag isa.

Napahiga ako agad sa kama dahil sa pagod. Gusto ko munang matulog. Hindi nga pala ako nakatulog kanina dahil pumasok sila Amber. Ngayon pwede ko na talaga itong ituloy.

Inayos ko ang unan at kumot ko. Pinatay ko ang lamp shade sa tabi ng kama ko at ipinikit na ang mga mata ko.

***
Nagising ako nang may nararamdaman akong kakaiba. Hindi ko na talaga naintindihan itong nararamdaman ko nitong mga nagdaang araw. Bumangon ako at napatingin sa orasan. Alas tres na pala.

Biglang kumulo ang tiyan ko. Nagutom lang pala ako kaya ako nagising. Nagbihis ako at lumabas ng kwarto. Pero napatigil agad ako. Teka, may canteen ba dito? Saan ba iyon?

Nako naman po, bukas pa ang orientation ko. Wala pa akong kaalam alam tungkol sa lugar na ito. Pero nagugutom na talaga ako. Wala pa akong tanghalian.

No choice, lumabas na ako sa girl's rooms at nagsimulang maglakad—mag isa sa hallway. Kung saan ako papunta ay hindi ko alam. Eh wala naman akong kaalam alam sa lugar na ito eh.

Napadaan ako sa mga classrooms. Teka familiar itong dinadaanan ko. Dito kami dumaan ni manong Arnel kanina. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Ang kintab ng sahig nila, nakita ko na tuloy ang sarili ko sa ibaba dahil sa linis nito.

"Walang katalo talo itong sahig na ito kumpara sa dating school nami—"

Dumiretso ang pwet ko sa sahig. Bumangga ako—may nagbangga sa'kin. Ang sakit ng pwet ko. Tumingala ako para makita ang sinumang hinayupak ang nagbangga sa'kin.

Pag angat ko ng tingin na sana pala ay hindi ko na lang ginawa. May isang lalaking mukhang galit na nakatingin sa'kin. Sa takot ko napaatras ako. Nagitla ako nang naglahad siya ng kamay, akala ko kong anong gagawin niya sa'kin.

"Sorry, tumayo ka na dyan tulungan na kita." Walang emosyon niyang sabi.

Nagdalawang isip ako kong tatanggapin ko ba ang kamay niya o hindi. Pero sa huli ay tinanggap ko rin naman. At sa oras na yun, tila may kuryenteng dumaloy sa mga kamay naming magkahawak. Hindi ko mawari.

Umayos na ako ng tayo at pinagpag ang damit ko. Ang sakit pa rin ng pwet ko. Tumingin ako sa kanya, mas maayos na ang expression ng mukha niya. Parang hindi na siya galit talaga.

Sa totoo lang, gwapo siya. Medyo singkit ang mata, mahaba ang pilik-mata, at jusko! Matangos na ilong.

Natinag ako ng nagsalita siya.

"Uhmmm sorry ulit kanina. Nagmamadali kasi ako kay hindi tuloy kita nakita. Ahh sige una na ako."

"Sige."

Yun lang at tumakbo ulit siya patungo sa kinaroroonan ko. Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad. Medyo masakit pa din talaga ang pwet ko. Nasaan ba kasi ang canteen dito, kong meron man?

Si Asher! Kailangan ko ng tulong kay Asher!

Ahhh paano ko ba siya tatawagin. Kong sisigaw ako dito ngayon baka magsilabasan ang mga studyante at lulubog talaga ako sa hiya 'pag  nangyari yun. Eh kung sa utak naman, hindi ko alam kong paano.

"Ahhh Asher, kailangan ko ng tulong." Okay para na talaga akong baliw nito.

"Asher, tulong naman oh. Nagugutom na ako asan ba ang canteen niyo dito kung meron man? Basta yung lugar kung saan may pagkain." Sabi ko pero wala akong natanggap na sagot kahit sa utak man lang.

Immortal High: A Bloody LoveWhere stories live. Discover now