Chapter 7: The Power Duo Part 2

13 0 0
                                    

Khyrel's POV

Pagpasok ko sa kwarto agad akong sinalubong ng mga kaibigan ko. Yung eksaktong eksaktong pagbukas ko ng pinto agad silang nagtakbuhan palapit sa'kin. Akala ko pa naman kong ano ang kailangan nila, nakikichismis lang naman pala.

"Hoy kwentuhan mo kami dali!"

"A-ano naman ang iku-kwento ko sa inyo Amber?"

"Duh? Wag painosente ghorl. Pinagusapan kaya kayo kanina ng mga studyante."

Wtf?

"What the. . .bakit na naman?"

"Hayss, nakasama mo lang naman kanina ang dalawang pinakagwapong nilalang sa school na 'to." Singit ni Luna.

"Eh? Sino?"

"Alam mo? Hindi ko alam kong may amnesia ka ba o ano. Eh kakasama niyo lang kaya a few minutes ago." Wika naman ni Selena.

"Ewan ko ba kasi kong sino. Si mang Arnel ba?"

Sumama ang timpla ng mga mukha nila. Okay definitely not him.

"Eh sino nga?"

"Ang Power Duo!" Sabay nilang sigaw.

"Oh eh ano naman?"

Napaface-palm sila except ni Selena.

"Ewan ko ba kong anong meron sa kanila. Eh wala naman akong kaalam alam sa kanila eh, hello? Baka nakalimutan niyo, bago lang ako dito no."

"Okay, I'll tell you." Sambit ni Mona.

"Pero pwedeng maupo muna tayo?"

Para kaming mga tanga nakatayo lang kami sa may pintuan. Agad naman kaming nagpunta sa kanya-kanya naming kama. Bale parang naka form ng circle ang formations ng kama namin.

"Okay so here it goes..." Sabi ni Mona at nag indian sit sa ibabaw ng kama niya. "Let's start with Kyrusin Zyaire Foster, the School's Student Council President. Alam mo ba na maraming babaeng nagkandarapa para sa kanya kahit nakakatakot siyang tumingin? I mean marami din naman ang nagkandarapa kay Thommy pero kasi—"

"Thommy?"

"Baby name kay Thomson." Sagot ni Amber.

"Oh okay. Sige continue."

"So yun nga, natatakot na lumapit sa kanya ang mga may crush sa kanya dahil nga sa mga tingin niya. Para kasing lagi siyang galit at parang kakain ng buhay." Patuloy ni Mona na nag action pa na parang natatakot talaga.

Hindi ko tuloy maiwasan matawa. Nagulat nalang ako nang napatingin silang lahat sa'kin.

"What?"

"Aren't you scared of his stares?" Tanong sa'kin ni Asher.

"Well, actually natakot ako nung una. Nung nabangga niya ako. Akala ko kasi galit siya sa'kin. Eh siya na nga tong nakabangga sa'kin siya pa ang may ganang magalit. Pero nag sorry naman siya at medyo kumalma na ang mukha niya. Tapos nasalo ako ng kamay niya at tinulungan akong tumayo."

"Sheeeeyyyytttt! Sana all!" Nagulat ako nang sumigaw sila—ng sabay.

"Anong nakaka-sana all dun? Sana all ba na nabangga ka?"

"The fudge Khyrel! Alam mo ba na bukod kay Spencer at sa mom niya of course, ay ikaw lang ulit ang babaeng nahawakan at nalapitan niya?"

Nagulat ako sa sinabi ni Mona.

Immortal High: A Bloody LoveWhere stories live. Discover now