Chapter 12: Her Other Half

31 0 0
                                    

Khyrel's POV

Pinasyal ako ni mayor kasama ang anak niya at si Kyrusin sa buong village. Nakakatuwa lang na ramdam mo ang respeto ng lahat sayo. Tuwing dadaan kami ay nagbow sila sa amin at binabati kami. Para tuloy akong pangulo na bumisita sa lugar ng mga tao ko.

"Kyrusin, pwede bang makausap muna kita sa opisina ko?" Baling ni mayor kay Ky-ky.

"Sure."

"Anak, ikaw muna bahala kay Akii."

"Yes daddy." Nakangiting sambit naman ng anak niya.

"I'll be back, after lunch babalik na tayo. Baka hanapin na tayo si madame Jerone." Tumango naman ako kay Ky-ky at naglakad na sila ni mayor pabalik sa office niya.

"So tara? I-tour kita." Nakangiting sabi naman ni uhhh...

"Sige uhhhh..."

"Oh I forgot, di pa pala ako nagpakilala sayo ng maayos. I mean magkakakilala naman na tayo pero siguro nakalimutan mo na HAHAHAHA! Anyway, I'm Twila Reveree Casiopa."

Ngumiti lang ako sa kanya at hinila na naman niya ako.

"Sa'n tayo pupunta?"

"Sa dating tambayan natin." Parang may pananabik na sambit ni Twila habang hindi maalis ang ngiti sa kanyang labi.

Mayamaya ay nasa harap na namin ang isang malaking tree house. Kung dating tambayan na namin 'to, malamang na luma na ito? Pero kung titignan ko ngayon parang bagong gawa palang ito.

"Tara sa taas."

Nagpaumuna siyang umakyat at sumunod naman ako. Ngunit namangha ako pagakyat ko dahil ang ganda ng paligid. May dalawang magkatabi na kama. May nga drawings sa bubong, which is obviously mga drawings namin noon. Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang nakaukit sa ibabaw ng kama. Nandun ang pangalan ko at pangalan ni Twila at ang katabi ng pangalan namin ay cresent moon.

"Wow..." Sambit ko at napaupo sa kama. Hinawakan ko ang bubong at sinundan ng daliri ko ang bawat sikot ng letrang nakaukit at nabuo ang pangalan ko. Kama ko siguro to.

"You still like this place, huh?" Nakangiti tanong ni Twila at naupo sa tapat ko. Sa kama niya.

"W-We've been here before?"

"Yup, minsan dito tayo natutulog. Natatawa nga ako sayo kasi takot na takot ka na baka daw may multo dito. E ikaw naman 'tong nag aya sa'kin na dito tayo matutulog HAHAHAHAHA!"

Di ko na din maiwasang matawa. So dati pa pala ay matakutin na ako? Tsh!

"Tapos itong tree house? Sinong gumawa nito?"

"Dati na 'tong nakatayo dito. Nahanap lang natin to pero di pa natin to pinasok noon kasi delikado. Baka mapano pa tayo. Ang luma na kasi nito. Tapos yun, sinabihan natin sina mommy at si tita Akira about sa tree house na'to. Sinabi natin na gustong gusto natin 'to kaya pumayag ang mga daddy natin na irepair ito. Kaya ito, matibay pa rin hanggang ngayon. Alam mo ba, araw araw ko 'tong binibisita tapos nakatitig lang ako sa kama at sa drawings mo. Grabe namiss talaga kita." Mahabang storya niya.

Ngumiti naman ako sa kanya, "Grabe, para na pala tayong magkapatid noon?"

Mas lalong lumaki ang ngiti niya, "Sinabi mo pa! Marami nga ang nagsabi nun na para daw tayong kambal e."

Nagtawanan naman kami. Humiga ako sa kama ko at tumitig sa kisame.

"Sorry Twila, hindi kita naalala."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Immortal High: A Bloody LoveWhere stories live. Discover now