Chapter 3: Welcome To Immortal High

16 1 0
                                    

Khyrel's POV

Alas sais palang ng umaga ginising na ako ni Mom para maghanda. Naligo ako agad kahit ang lamig lamig ng tubig.

Alas sais y medya na ng bumaba ako para kakain. Pero nagulat ako nang pagbaba ko may lakaking naka tuxedo sa sala. Binigyan siya ni Mom ng kape.
Sabay silang napatingin sa'kin.

"Oh anak, andyan ka na pala. Mag almusal ka na don." Sabi ni Mom.

"Sige po."

Pumunta na akong kusina para kumain. Biglang lumapit si Dad sa'kin at umupo sa tabi ko.

"Mamimiss kita anak." Sa oras na yun, ramdam ko ang lungkot sa boses ni Dad. Di ko din tuloy maiwasang malungkot.

"Ako din Dad. Mamimiss din kita. Pero babalik naman ako dito diba? Kaya wag kang mag alala."

Ngumiti lang si Dad ng mapait.

"Magiging ligtas ka dun anak. Walang mangyayaring masama sayo dun. Tsaka alam ko naman ba kaya mong talunin kong sino man yang mang aapi sayo."

Tinapos ko na ang pagkain ko at umakyat ulit para kunin ang maleta ko sa kwarto. Bumaba din ako agad at nakita na naghintay na sila Mom, Dad at yung lalaking naka tuxedo sa may pinto.

"Akin na yang gamit mo miss Hermosa." Sabi ng lalaki kaya hinayaan ko nalang din.

Agad na lumapit sina Mom at Dad sa'kin.

"Pakabait ka dun anak ah?" Si Dad.

"Wag kang magpapalipas ng gutom baka magkasakit ka." Si Mom.

"Anak ingatan mo ang sarili mo."

"Wag mong pabayaan ang sarili mo. Alam kong hinding hindi ka din nila pababayaan."

First time kong napalayo sa kanila. Kaya siguro ganito ang mga reaction nila o normal lang to.

"Mahal na mahal ka namin. Tandaan mo yan." Sabay nilang sabi.

Niyakap ko agad sila. Ang drama nito pero hindi ko maiwasan. Mamimisa ko sila. Mamimiss ko ang kastriktohan ni Mom, ang kakulitan ni Dad.

Tinawag na ako ng lalaki kaya lumabas na ako ng bahay. Sasakay na sana ako nang may biglang sasakyan na huminto sa harap namin.

'Alam ko na kong kaninong sasakyan to.'

Biglang lumabas si Charlotte sa sasakyan nila.

"Oh my god! Ses, buti nalang naabutan kita!" Sigaw niya habang tumatakbo papalit sa akin. At binigyan ako ng mahigpit na yakap.
"Ingatan mo sarili mo dun ah. Pakabait ka. Mamimiss kita."

"Mamimiss din kita. Ikaw din, mag ingat ka."

Muli kaming nagyakapan. Pero parang may weird akong na feel nang napatingin ako sa leeg ni Charlotte. Yung mga ngipin ko feel ko lumalaki, or more like my fangs. May nakikita din ako mga veins sa leeg niya. Dahil siguro sa sobrang puti niya? Ewan ko ano bang nangyayari sa'kin at parang bigla akong nauhaw pero hindi ko kailangan ng tubig. Parang nasa leeg ni Charlotte ang solusyon ng pagkauhaw ko. Hindi ko na alam kong anong nangyari sa'kin, dahan dahan akong lumapit sa leeg niya. Pero bago pa makalapat ang labi ko ay nabalik ako sa huwisyo nang nagsalita si Mommy.

"A-ahh Akii! U-uhmmm, kailangan niyo nang umalis kasi baka pagalitan na si Arnel ni madame."

Wala kaming nagawa kaya humiwalay na kami ng yakap ni Charlotte. Pumasok na ako sa sasakyan. Medyo naguluhan pa din ako sa nangyari kanina. Sinulyapan ko sina Mom at Dad at nagulat ako nang nakita ko na lumuluha si Dad.

Immortal High: A Bloody LoveWhere stories live. Discover now