Chapter 4: New Friends

14 0 0
                                    

Khyrel's POV

"Sundan mo lang si Arnel. Ihahatid ka niya sa kwartong tutuluyan mo." Sambit ni madame. Tumango lang ako at lumabas na sa silid na yun.

Nagsimula nang maglakad si Manong. Arnel pala pangalan niya. Kaya sumunod na ako sa kanya. Nasa klase pa din ang mga studyante. Mas mabuti na siguro itong nasa klase pa sila kesa naman magsilabasan sila ngayon edi mas nakakahiya yun. Wala pa naman akong kaibigan dito.

Ang daming liko liko na ginawa si manong Arnel, sumunod lang din naman ako. Hanggang sa may malaking pinto sa dulo ng hallway. Binuksan niya yun at may mga kwarto sa loob. Siguro ito yung for girls only. Pumasok siya at nagpatuloy sa paglakad. Huminto sa isang pinto sa pinakadulo ng hallway.

"Ito na po ang kwarto niyo miss Hermosa. Iiwan ko nalang po kayo dito, nasa loob na din ang mga gamit niyo. Ito na din ang susi sa iyong kwarto." Binigay niya sakin ang susi at tinanggap ko naman yun.

Nagpasalamat lang ako sa kanya at umalis na siya. Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob.

Malaki. Napakalaki. Ako lang ang tao sa kwarto na'to pero kakasya ito sa limang tao dahil sa laki nito. Napatingin ako sa bandang kanan ko. May limang kama. Mali pala ako. Akala ko ako lang ang titira sa kwartong ito.

Niligpit ko nalang ang mga gamit ko sa cabinet. Matapos magligpit ay humiga muna ako sa kama ko. Malambot, pero di kasing lambot sa kama ko sa bahay namin. Matulog muna ako kahit saglit lang, ang aga ko kayang gumising tapos ang haba pa ng biyahe.

Humiga na ako sa kama at pinikit ang mga mata ko, pero wala pang isang minuto nang biglang bumukas ang pinto. Napabalikwas ako ng bangon at tumingin sa gawi ng pinto.

"Jusme! Nakakastress talaga ang math." Maktol ng babaeng kakapasok lang ng pinto.

May dalawang babae pa na sumunod at pumasok. Agad silang natigilan nang nakita nila ako sa tabi ng kama ko.

"Oh my gee, siya na ba yung tinutukoy ni madame?"

"I guess?"

"Siya nga yun, kamukha niya si Tito Khyber."

"She's even prettier than I imagined."

"No." Biglang may pumasok pa na babae. "She's even more powerful than I imagined." Sabi niya.

Feel ko tuloy nag blush ako dahil sa mga compliments nila. Pero medyo nagtaka ako dun sa sinabi ng huling babaeng pumasok sa pinto.

"Pano mo naman nasabi?"

"Paglabas pa lang natin kanina sa classroom may na-sense na ako na kakaibang powers pero hindi ko matukoy kong kanino. Pero nang papalapit na tayo sa kwarto natin mas lalong tumindi ang senses ko. Parang sasabog na ang ulo ko."

"Eh? Akala ko pa naman sumakit ang ulo mo dahil sa math natin kanina."

"Haler? Math genius yan gurl." Sabat naman ng isa.

"Tumigil na nga kayo dyan. Entertain-in muna natin itong bisita natin."

Lumapit sila sa'kin at pinaupo ako sa kama ko. Umupo naman sila sa kabilang kama, nasa tapat lang din ng kama ko.

"So ilang taon ka na?" Atat na tanong ng isa.

"Teka nga lang Amber, pakilala muna tayo." Sinang ayunan naman nilang lahat iyon.

"Sige ako mauna, hi ako pala si Selena Elaine Miller. But you can just call me Selena for short." Nakipag shake hands ako sa kanya at nang naghawak ang kamay namin. Nararamdaman ko na mainit ito pero hindi naman nakakapaso. Hindi ko nalang iyon pinansin.

Immortal High: A Bloody LoveWhere stories live. Discover now