Chapter 9: Tour Guide

22 1 0
                                    

Khyrel's POV

Matapos ang breakfast ay pinatawag ako ni madame sa opisina niya. Batid kong tungkol iyon sa orientation ngayong araw na ito.

Pagpasok ko ay bumungad agad sa'kin ang striktong mukha ni madame, at syempre hindi mawawala ang violet niyang lipstick.

"Pinatawag niyo raw po ako madame?"

"Ahhh, oo. Maupo ka muna. Hintayin muna natin ang Power Duo upang makapagsimula na kayo sa orientation mo."

"Sige po."

Ilang minuto ang hinintay namin upang bumukas ulit ang pinto at pumasok ang dalawa. Tila naging baliktad na ang reaksyon ng dalawa. Si Thomson na ang seryoso ang mukha habang si Kyrusin ay nakabusangot.

"Oh, andito na pala kayo. Magsimula na kayo sa orientation."

"Sige po madame." Sabay nilang tugon.

"Simulan natin sa mga rules and regulations." Sabi ni Kyrusin at naupo sa sofa, tumabi naman sa kanya si Thomson na seryoso pa rin ang mukha. Umupo ako sa tapat ng sofa.

"Rule number 1, you must wear the proper uniform." Sambit ni Thomson.

"Number 2, you mustn't be late for class. Ang sinong studyante ang makikitang naglalakad pa din sa corridor during class hours ay makatanggap ng punishment."

Ay grabe naman!

"Number 3, you also mustn't be late for training."

"Training? Para saan?"

"Para sa paghasa ng kapangyarihan mo." Sagot ni Ky-ky.

Yan siguro ang tinutukoy nina Asher noong nakaraang gabi.

Biglang tumayo si madame at pumunta sa gawi namin.

"Oh I forgot to ask you. Alam mo na ba ang mga kapangyarihan mo? Kong lobo ka ba o bampira?"

Natigilan ako.

"H-hindi pa madame."

"Aigoo. . .tsk, tsk, tsk. Kailangan mo nang alamin yan at mahasa sa lalong madaling panahon before ang bloody war."

"Yes madame."

"Simula sa monday ay magt-train ka na kasama ang power duo. Monday, Wednesday and Friday ay si Kyrusin ang magiging lecturer mo sa training. Tuesday and Thursday naman ay si Thomson."

Nagpatuloy si Kyrusin sa pag discuss sa'kin sa mga rules and regulations. May mga rooms din siyang binanggit na bawal pasukin ng kanino man. Naantig tuloy ang interes ko kung ano ang meron sa loob ng mga yun, kung bakit bawal itong pasukin?

Lumabas na kami ng silid at naiwan doon si madame. Ngayon ay i-to-tour nila ako sa buong school. Ewan ko lang kong makakaya ko ba, eh ang laki kaya ng school na ito. Kasinglaki na ng palasyo.

"Ito ang mga rooms. Dun sa left side ang rooms sa mga juniors at dito naman sa right side ang rooms ng mga seniors." Paliwanag ni Ky-ky. Kinarir talaga niya ang pagiging tour guide ko.

"Sa ngayon ay nandito tayo sa East Wing ng school. Andito ang mga dorms, classrooms, library at ang principal's office."

"Thomson, ano namang meron dun sa West Wing?"

"Nandun ang mga bawal na rooms. Pero andun din ang training room. Dun tayo magt-train sa Monday. Bukod sa training room ay wala na dapat tayong ibang pasukin sa mga yun. Naintindihan mo?"

Immortal High: A Bloody LoveWhere stories live. Discover now