022

2.3K 65 2
                                    


ASTRID

Oh my god!!! Finally!!

Ilang beses na kong naka attend ng acquaintance party dahil halos kada taon naman ay ginagawa to pero ngayon lang ako na excite nang todo dahil magiging date ko na si Ryker as MY BOYFRIEND!!!!

Sobrang nakakakilig talaga.

😍😍

KNOCK KNOCK

Nakangiti lang ako sa salamin ko nang bumukas ang pinto. Mula sa salamin ay tanaw ko si Kuya na nakasandal sa pintuan.

Tumayo ako at humarap sa kanya.

"What can you say?"

Hinawakan ko ang gown ko at umikot ng dahan dahan.

"Ang panget."

Agad na sinimangutan ko sya na ikinatawa nya naman.

"Ang panget na ng mga school mates mo kase, ikaw na ang pinaka maganda."

Pigil ang ngiting inirapan ko naman sya. Ang hilig talagang mang bitin.

"Ang ganda mo, princess. Promise."

"I know right. Hahaha"

Lumakad sya palapit sakin at inayos ang buhok na nakalaylay sa pisngi ko. Bumuntong hininga sya na ikinataka ko naman.

"Is theres something wrong?"

"Wala. Your really a lady now." Seryosong saad nya.

"Masaya ako na lumaki kang maganda kahit na panget ang ugali mo." Sinimangutan ko naman sya.

"Masaya din akong makitang tumanda ka kahit isip bata ka parin. ARAY!"

Daing nya nang paluin ko sya sa braso.

"What?" Tumatawang tanong nya.
"Seriously, im just happy."

"Wag ka ngang OA. Acquaintance party lang ang pupuntahan ko at hindi pa ko mag papakasal."

"Hahaha oo nga no."

Nag kulitan pa kami at nag pa picture na rin para kay mommy.

'For sure, mag tatampo yun dahil ayaw na ayaw pa naman nyang mapag iwanan sa mga ganitong event sa buhay namin ni kuya. '

"Susunduin kaba ni dad?" Si kuya habang inaalalayan ako palabas ng kwarto.

"Hindi. Si Ryker na daw kase ang susundo sakin eh." Tumango lang sya.

"Oh, eto na pala ang sundo mo eh."

Pinalo ko naman ang braso nya.

'Sundo ka dyan. Date ang tawag sa kanya. Wala talagang alam sa mga ganito.'

Hindi ko maiwasang mapangiti at tumitig kay Ryker habang pababa ng hagdan. Sobrang gwapo nya sa soot nya at pakiramdam ko tumatalon ang puso ko sa kilig.

"Sis. Baka naman matunaw."

Bulong sakin ni kuya.

"Alam mo, panira ka talaga." Pero tinawanan nya lang ako.

"Abay napakaganda naman nang alaga ko."

"Thanks Nay Lorna."

"Nako. Manang mana ka talaga sa mommy mo. Napaka ganda kahit anong sootin."

"Nay, matagal na kong maganda, ngayon mo lang napansin?"

Kunwari ay nag tatampong sabi ko. Humalik lang ako kay Nanay Lorna nang makababa na kami nang hagdan.

Bully - SHEWhere stories live. Discover now