094

1.7K 80 12
                                    

ASTRID

Hindi ko alam pero parang namumuo ang inis ko habang pinapanood kong magkasama si Cadence at si Nerdy, si Nerdy na tumugtog ng gitara habang si Cadence naman ay kumakanta sa tabi nya.

Parang naaasiwa akong makita silang dalawa. Naiinis ako at hindi ko alam kung bakit! Basta naiinis ako! Siguro kase pabida na naman ang nerd na to! Napatingin naman ako kay kuya na nasa isang tabi. Naaawa ako sa kanya kase para syang initsapuwera ng babaeng mahal nya. Alam ko kung gano kagusto ni kuya na sya ang gumawa ng bagay na ginagawa ni Nerdy pero hindi nya naman magawa dahil hindi naman sya marunong mag gitara.  

"Whats their relastionship?"
Rinig kong tanong ni Mom na nasa tabi ko kaya hindi ko napigilan ang magulat.

"P-po?"
Gulat na tanong ko.

"Si Leigh honey at si Cadence, whats their relationship?"

"I-i dont know. And i dont care mom."
Sabi ko na pinilit na maging mataray ang salita ko.

"But i care."
Nakangusong sabi ni mom na muling binalik ang tingin sa harap.

Binalik ko na lang din ang tingin ko sa harap at hindi ko na naman mapigilang mainis.

'Ano bang malay ko kung anong meron sa dalawang to! Halos mabaliw  nga ako sa kakaisip kung anong meron sa kanila eh! Sabagay, wala naman akong pake sa kanya kaya bakit aalamin ko pa?!'

Pinilit ko na lang ang sarili kong manuod sa kanila. Ilang beses ko pang pinilit na ituon na lang kay Cadence o kay Kuya o kahit nga sa picture ni Lolo Juan ang tingin ko pero para talagang minamagnet ng nerd na to ang mga mata ko.

'Buwisit talaga!'

🎶🎶
Everybody need to rise up
Everybody need to be loved
To be loved
This is what we dream about
But the only question with me now
Is do I make you do I make you proud
There no question
Is do I make you proud
Stronger that I’ve ever been now
Never been afraid of standing out
Is do I make you proud
Do I make you proud.
🎶🎶

"This is so sad.."
Muli akong napatingin kay mom at nakita ko ang pag iyak nya na siguro ay dahil sa nadadala sya ng emosyon ng pamilya ni Cadence.

Hindi ko naman napigilang mapatingin sa ibang mga kasama namin at ngayon ko lang napagtanto na halos lahat ay nag iiyakan na. Halos lahat ay nadadala sa emosyong nakikita ngayon kay Cadence na pinipilit na kumanta kahit na halos maging garalgal na to dahil sa pag pipigil ng luha nya. Muli kong nilibot ang tingin ko at maging ang grupo nila Aj umiiyak na rin. Pati si Sari na nasa tabi ko todo singhot na rin. Napako naman ang tingin ko sa bandang likod ng makita si Ryker. Bakas din ang lungkot sa mukha nya. Muling namuo ang galit ko sa kanya kaya mabilis na binalik ko na lang ang tingin ko sa harap.

'Hindi ko parin matanggap ang ginawa nila Cadence samin ng kuya ko!'

Napatingin naman ako sa pamilyang nasa harap namin ngayon, ang pamilyang Kellen. Seryoso lang silang nakatingin sa harap at hindi ko masabi kung anong reaksyon nila dahil sa mga shades nila.

Nabalik ang tingin ko kila Cadence pero laking gulat ko ng makitang mag kayakap sila ni Nerdy.

'Bakit kailangang may yakap?! Hello?! Nandito kaya kami!!'

Mas lalong nalukot ang mukha ko ng makita ang pag tugon sa yakap ni Nerdy. Hinahagod nya ang likod ni Cadence na umiiyak sa balikat nya. Parang may binulong pa sya kay Cadence na sunod sunod na umiling.

Bully - SHEWhere stories live. Discover now