050

2K 77 11
                                    

Answers to some of your questions:

* bakit po ang tagal mag update?
~ kase po mabagal gumawa si author 😂😅 tyaka ang hirap kaseng mag pa load dito samin kaya ayun po, walang deyta  😂 ✌

*hes into her po ba to?
~obviously not, kase Bully - She nga ang title eh, tyaka girl to girl to 😂😄 pero inspired po talaga sya sa story ng Hes into her. Naisip ko, what if gawan ko ng gxg version pero syempre with the twist. Siguro sa umpisa mukhang kinopya ko lang yung sa Hes into her pero try to read the whole story (antay antay nga lang po sa ibang chap. 😂), magkaiba po talaga ng twist sa story. 😊

*bakit po walang bed scene unlike dun sa Lust Words: I Love You?
~kase bata pa sila at inosente  😂

*bakit ang corny ng kwento?
~kase ginawa to para sa mga cornyng tao 😂😂😂

Thats all... enjoy reading.. thanks in advance 😉😘😘



KIMORA

After namin sa canteen ay naglakad na kami papunta sa building namin.

"Una na kayo."
Si Leigh na parang may tinatanaw sa malayo at may kakaibang ngiti.

"Bakit? Anong meron dyan sa ngiti mo?"

"May kukunin ako."

"Edi samahan —"

"Sige na. Susunod ako."

"O-okay?"

Ano namang naiwan nya? Wierd talaga nito. May kukunin? Saan naman? Eh na building ang mga lockers.

Ano na naman kayang binabalak nito?

Hindi ko na lang sya pinilit at sumabay na ko kila Aj sa pag akyat.

"Asan si Leigh?"
Si Amya at sinilip pa ang pinanggalingan ko.

"May kukunin daw"

Umakyat na kami sa classroom at halos kasunod lang namin ang instructor namin kaya napalingon ako ako sa hallway.

"Paktay ka na naman, Leigh."

Umiiling na tumuloy akong  pumasok pero bago pa man ako makaupo biglang may sumigaw.

"Kimona! Kimona!"

'Ako ba yun?!'

Salubong ang kilay na tumingin ako sa pinto.

"Anong Kimona?! Kimora ako! Sapak gusto mo?!"

"Miss Haittee!"
Sigaw ng instructor kaya naman napa upo na lang ako.

"Yes Miss? Bakit ba bigla kang sumisigaw? Cant you see im here inside?!"
Inis namang baling ng Instructor sa estudyanteng tumawag sakin sa maling pangalan.

"S-sorry Miss.."
Bumaling sya sakin na parang nag aalala.
"Yung nerd! Yung kaibigan mong Nerd. Nahimatay sa circle!"

"Ano?!"

"Yung nerd nahimatay sa Circle!"

"Ano?!"

"Yung nerd nahimatay sa Circle!"

"Lintik! Miss, excuse lang.!"

"Kim!"

"Miss excuse po!"

"Miss Sorry!"

"W-wait!"

Hindi ko na sila pinansin at tumuloy na ko sa pag takbo pababa at alam kong nakasunod lang sila sakin.

"Nasa hospital daw sila sabi nung girl!"

Hindi ko na alam kung sinong nag salita dahil mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Bully - SHEWhere stories live. Discover now