152

1.6K 68 10
                                    

152

*********

ASTRID

Halos may isang linggo na rin atang lumipas simula ng bumalik si Nerdy at masasabi kong dahil sa pag uusap naming yun parang mas lalo pa kaming naging malapit sa isat isa.

Wala namang nag bago sa personality nya, masungit, seryoso, tamad magsalita, palaging busy pero yung treatment nya sakin... feeling ko malaki ang pag babago.

Hindi nya madalas sinasagot ng i love you too ang i love you ko dahil daw paulit ulit ako pero tuwing sasabihin nya yun ramdam na ramdam kong mahal nya talaga ako.

Mas madalas na rin kaming mag bonding na dalawa lalo na kung hindi sya busy.

Minsan nakatambay lang kami sa bahay at mas madalas na kasama namin ang mga paepal naming mga kaibigan.

Pero madalas din, dahil nalalapit na ang exam ay medyo nag kakanya kanya na muna kami dahil sa dami ng requirements na kailangang tapusin.

Tulad ngayon.

"Ayaw mo ba munang pumasok?"
Tanong ko kay Nerdy ng makalapit sya sakin.

Matapos ng klase ay kanya kanya na rin kami ng alis dahil nga sa dami ng mga kailangang icomply at katulad ng nakagawian, hinatid nya ko hanggang sa tapat ng bahay.

Gustong gusto ko talaga syang sunduin o kaya naman ako ang susunduin nya kaso ayoko namang ipilit ang ganung set up lalo na at kung minsan may kailangan syang puntahan.

Bilang isang girlfriend, based na rin sa payo ni mom, hindi daw dapat palaging pinipilit ng isa sa nasa relasyon ang mga gusto nila. Kailangan daw bigayan. Sweet na palagi daw kayong sabay sa halos lahat ng oras pero minsan kailangan din daw bigyan ng time ang isa para sa mga bagay na kailangan at gustong gawin nito.

"Hindi na. May pupuntahan pa ko."

"I see... then, mag iingat ka ha."
Nakangiting sabi ko.

"Hindi mo ba tatanungin kung saan?"
Takang tanong nya kaya mas lalo akong ngumiti.

"Honestly, gustong gusto kong tanungin pero... sabi kase ni mom kailangan din daw minsang magbigay ng privacy. Ayoko ng mag tanong kase baka ayaw mo rin namang sabihin at ayos lang yun! Naiintindihan ko naman."

"Tss. Epekto ba yan ng pakikipag hiwalay mo sakin?"
Nakangising tanong nya.

"Wag mo na ngang ipaalala yun! Pinag sisihan ko na yun! Gusto ko lang na maging maayos tong relationship natin kaya sinusunod ko ang mga payo ni mom... isa pa alam ko namang may mga bagay na hindi mo talaga masasabi sakin agad... kaya nga ayoko na lang mag tanong kase baka mahirapan kapa."

Parang natigilan naman sya sa sinabi ko.

"Ayos lang naman yun! Ako din naman may mga secrets eh!"
Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Kung... kung may gusto kang malaman tungkol sakin... kung may gusto kang tanungin... sabihin mo lang. Susubukan kong sagutin..."

"A-ano kaba! Hahahah! Ayos lang! Hindi naman big deal yun!"
Sabi ko na tumawa pa para mawala na ang pag iisip nya.
"Ayaw mo ba talagang pumasok?"
Tanong ko na lang ulit.

"Hindi na. Pupunta pa ko sa mansyon ng mga Kellen."

'Pupunta?! Ano namang gagawin nya dun?"

"A-ah! Hahaha! Sige. Ingat ka ha!"
Sabi ko na ngumiti pa pero nailang ako ng titigan nya ko.
"B-bakit? Hehehe."

"Hindi ko din alam kung anong gagawin ko dun. Pero posibleng trabaho ang sasabihin nila."
Sabi nya na tila pinapaliwanag sakin ang sagot sa tanong sa isip ko.

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon