070

1.5K 75 2
                                    

LEIGH

Wala akong ibang maramdaman ngayon kundi galit. Sobrang galit na kung hindi lang ako nakapag pigil ay baka napataya ko na mismo sa harap nila ang Matt na yun. Mas lalo namang namuo ang galit ko ng maalala ko ang nangyare kanina.

*FLASHBACK*

Matapos ang klase namin ay lumabas na kami ng room para mag lunch. Kami ang huling bumaba ng building dahil nag deposit pa si Jay sa Cr. If you know what i mean.

"Uy. Sorry na. Galit ka na naman."
Pag siko sakin ni Kim. Nasa unahan kase namin yung tatlo at kami naman ang nahuhuli sa pagbaba ng hangdan.

"Sinong may sabing galit ako?"

"Eh. Hehehe. Wala. Assume ko lang."
Napapahiyang sabi nya.
"Inisip ko lang na baka nagalit ka dahil sinabi ko kay mistisang ingleserang yun na pumunta ka kay Ash kagabi."

Oo. Sa kadaldalan nya pati yun kinuwento nya sa kanila kanina habang break time. Himala ngang yung mismong insidente ay hindi nya kinuwento.

Sasagot na sana ako sa kanya ng bigla na lang syang matumba at nag pagulong gulong sya sa bawat baitang ng hagdan hanggang sa mahinto sya sa patag na semento na kinatatayuan na ng tatlo.

"Kim!!"
Malakas na sigawan nila at agad na nilapitan si Kim.
Para naman akong naestatwa sa gulat pero agad na nabalik sa realidad ng tawagin ako ni Amya.

"Leigh!"
Umiiyak na tawag nya at inangat ang kamay na may bahid ng dugo mula sa ulo ni Kim. Mabilis na lumapit ako sa duguang si Kim.

"Kim! Kim!"
Pero wala akong nakuhang sagot. Inangat ko ang tingin ko sa taas na bahagi ng hagdan at nakita ko si Matt, nakatayo at nakatanaw samin. Hawak nya ang isang baseball bat na may bahid pa ng dugo at may nakakalokong ngisi. Biglang binalot ng galit ang dibdib ko.

"Dalhin natin sya sa ospital."

"Amya! Tawagan mo yung driver mo na mag abang na sa entrance!"

Bully - SHEWhere stories live. Discover now