049

2.1K 80 16
                                    


ASTRID

Pagpasok namin ng Canteen ay nakita ko si Nerdy na nakaupong patalikod samin. Bigla ko tuloy naalala yung nangyare kanina. Ayoko talagang pumunta dito kase alam kong nandito sya at naiinis ako sa kanya dahil napahiya na naman ako sa kanya.

Buwisit talaga sya! Hindi ko sya nilingon nung dumaan kami sa harap ng table nila pero alam kong alam nyang dumaan kami kase binati pa sila nila Sari at Zay. Isa pa, pag pasok palang namin pinag uusapan na kami at may ilang mga lalaking tumatawag at nag papapansin samin kaya imposibleng hindi nya kami mapansin.

Wait, ano bang pake ko?! Nakakaasar talaga ang babaeng yun! Sakit talaga sa ulo!

"Buwisit ka!"
Inis na sigaw ko.

"Wait, ako? Teka, nag paalam ako sayo no. Akala ko silence means yes eh. Oh ayan!"
Nakangusong binalik ni Sari ang mga patatas sa plato ko.

"H-ha?"

"Anong ha?! Hatdog! Asar to. Pwede mo namang sabihing kung gusto mo na ng patatas eh. Talagang sinigawan mo pa ko."

"Ash okay ka lang ba?"
Si Zay na nakita siguro ang pagkalito ko sa sinasabi ni Sari.

"Ano ba kaseng problema nito?!"
Inis na turo ko kay Sari na nakabusangot parin.

"Hahaha. Mukhang hindi ka Okay. Lutang ka ata eh."
Natatawang sabi ni Zay kaya inismiran ko lang sya.

"Well, nag paalam lang naman sayo si Sari na kukunin na nya yung patatas since hindi ka naman kumakain nyan, at sya, paborito naman nya yan. Hindi ka naman sumagot kaya kinuha na nya tapos bigla mo syang sinigawan. Ngayon, kami ang sagutin mo. May problema ka ba?"

"S-sorry. May iniisip lang kase ako."
Nahihiyang sabi ko.

Bigla namang lumiwanag ang mukha ni Sari at tumingin sakin na may nakakalokong ngiti.

'Moody talaga!'

"Si Nerdy yan no?!"
Pang aasar nya.

"What?! Paki ko naman don?!"

"Weeee??? Hahahaha! Siguro iniisip mo yung pag hatid nya sayo kanina no?!!! Yiieeehhhh"

"Oh shut up!"

"Hahahhaha! Ooookkaaayyyyy.. kukunin ko na ulit yung akin."
Napairap na lang ako ng bigla nyang inabot ang plato ko at kinuha na ang patatas sa chicken curry na ulam ko.

"Hindi mo na ba hahatiran ng snacks si Ryker?"
Sarkastikong tanong ni Zay.

"Tatawagan ko na lang."

Inilabas ko ang phone ko at nag dial ng biglang may lumapit saming estudyante na hingal na hingal.

"Zay! Zay!"
Si Kaye, classmate namin.

"Oh? Okay ka lang?"

"Y-yung nerd.. yung nerd na nakaaway ni Astrid! Nasa circle sya at walang malay!"

"H-ha?!"
Kaming tatlo.

"Si Nerdy?! Why?! What happened?!"
Tanong ko.

"I dont know.. nakita ko lang sya sa circle, pinag kakaguluhan na!"

Mabilis na tumakbo si Zay at sumunod naman kami sa kanya ni Sari.

Nakita namin ang maraming estudyanteng nag kukumpulan sa circle o yung garden na lagi naming tambayan.

"Miss, miss. Gising..."
Rinig naming malakas na sabi ng isang estudyante.

"Padaan!"
Si Zay at mabilis namang gumilid ang ilan.

Bully - SHEWhere stories live. Discover now