147

1.2K 61 3
                                    

147

*********

BRENT

*KNOCK KNOCK*

"Dry?"

*KNOCK KNOCK*

"Dry, kumain kana."

*KNOCK KNOCK*

"Landry."

Napabuntong hininga na lang ako ng wala parin akong nakuhang sagot mula sa kanya.

"Dry... if you need someone to talk to, im—"

"Busog pa ko kuya. Mamaya na lang ako kakain."
Agad na putol nya sa sinasabi ko.

Muli akong napabuntong hininga.

"Okay... just make sure you wont starve yourself."
Pero wala na ulit akong nakuhang sagot kaya naman bumaba na lang ako.

"Where is she?"
Agad na tanong ni mom.

"Tulog pa po eh. Baka napagod kahapon."
Nakangiting sabi ko para hindi na mag alala si mom.

"I see."

"Hayaan muna natin syang mag pahinga."
Si Dad na tinanguan ko naman kaya bumalik na ko sa upuan ko.

Napakaraming nangyare kahapon at hanggang ngayon alam kong nangangapa parin sila mom at dad pero hindi ko rin sila masisisi.

Pasimple akong nag angat ng tingin kay Chairman na nasa dulo ng mesa, tahimik na nag kakape at seryosong nag babasa ng diyaryo.

"Kung wala na palang hinihintay, mabuti pa kumain na tayo."
Malamig at maotoridad na sabi ni Chairman kaya naman kanya kanya na kami ng asikaso ng pagkain.

"Daphne, bakit hindi ka kumakain?"
Salubong ang kilay na tanong ni Chairman.

"Mamaya na lang Chairman, para may kasabay si Ash."
Nakangiting sabi ni Mom.

"At bakit kailangan pa syang may kasabay? Ginustong hindi kumain kaya hayaan nyo sya."
Malamig na sabi ni Chairman.

"Hindi pa rin naman ako gutom Chairman."

"Tch! Kaya nagiging ganyan ang batang yan dahil palagi nyong inispoiled! Tignan nyo ang ginawa nya kagabi?! Kung ano anong sinasabi and worst gumawa pa ng gulo! Hindi na ba talaga kayang mag tino ng batang yan?!"

Hindi na kami nakakain at pare pareho na lang na nakatungo.

Pasimple akong sumusulyap kila dad at mom pero katulad ko, wala silang ginagawa, wala silang sinasabi. Hindi dahil wala kaming pakielam kay Ash pero dahil wala naman kaming magagawa.

Kaya kong kalabanin ang kahit na sino lalo na kung may katwiran ako pero hindi si Chairman. Lolo namin sya pero mas nangingibabaw sa kanya ang posisyon nya.

"I heard my isang schoolmate nya ang talagang nag simula ng gulo. Based sa mga nakakakita, pinatid nito si Leigh at doon na nag simula ang lahat."
Paliwanag ni dad.

Kung sa iba, posibleng maintindihan ang punto ni dad pero hindi si Chairman.

"Kahit na! The fact na sumali sya sa gulo, kasalanan nya parin! At ano yung mga pinag sasabi nya?! Anong mahal?! Dios Mio! Babae sya tapos babae din yung karelasyon nya?! I dont accept this! Hindi na ba talaga nag iisip yang anak nyong yan?! What on earth she had that... that disgraceful relationship?! At sa isang Gunner pa talaga! Hindi ko matatanggap ang kahihiyang ito!"

"But dad— i mean Chairman, hindi natin puwedeng pilitin ang bata na gawin ang gusto natin."
Si Mom na pinipilit na pababain ang boses.

"Bakit?! Wag mong sabihing hindi nyo na kayang kontrolin ang batang yan?! Puro kahihiyan na ang dala ng batang yan at hindi ako papayag na patuloy nya pang ipahiya ang pangalan ko! Kilala nyo ang Gunner na yun! Kahit mismong pamilya nya hindi sya tanggap! Puro gulo at kapahamakan lang ang dala ng batang yun kaya nga hindi sya tinanggap na maging Kellen! Isa pa, isa syang anak sa pag kakamali! Anak ng isang sindikato at anak ng isang traydor!"

Bully - SHEWhere stories live. Discover now