075

1.6K 66 1
                                    

ASTRID

Kanina gustong gusto ko talagang bilhin ang black na pillow at talagang nainis pa ko kay Zay nung ayaw nyang mag paraya pero ngayong nasa harap na kami ng room ni Kim, parang ayoko na palang ibigay to sa kanya.

"S-Sar.. ikaw na lang mag bigay."
Sabi ko at inabot sa kanya ang pillow pero hindi nya hinawakan kaya naman hindi ko rin mabitawan.

"Bakit ako? Eh sino bang bumili nyan?"

"A-ako. Eh baka isipin nya na close na kami no!"

"Tch! Para kang ewan! Ano naman kung bigyan mo sya ng unan?"

"A-ang dami mo namang tanong?! Pwede bang hawakan mo na lang to?! Nangangalay na ko!"

"Na ah. Ikaw ang bumili nyan kaya ikaw din ang mag bigay."

Nanunukso na naman nya kong tinignan kaya inirapan ko na lang sya at hindi na nag pumilit pa. Baka mamaya nyan kung ano ano na namang isipin nya. Kumatok na sila sa pinto at pinag buksan naman kami ni Nerdy.

Hindi agad sya nakpagsalita at saglit pang natigilan habang nakatingin samin.

"Hi Leigh!"
Masayang bati ni Sari na kumaway pa.

Tinanguan nya lang si Sari tyaka kami pinapasok.

"Nga pala, nag dala kami ng fruits for Kim."
Masaya paring sabi ni Sari ng mapansing nakatitig si Nerdy sa mga dala namin.

"Bat ang dami?"

"Ehehe. Hindi kase namin alam kung anong gusto nyo pareho kaya dinamihan na lang namin."

"Salamat."

"Wala yun! Sila Ash at Zay nga pala binilhan ka ng unan"
Nakangiting sabi ni Sari kaya naman siniko ko sya at pinandilatan ng mata pero dinilaan nya lang ako.

"Salamat."
Seryosong sabi ni Nerdy. Hindi ko naman sya pinansin at sinadya kong iiwas ang tingin ko sa kanya.

"Here, Leigh."
Si Zay at nakangiti pa nyang inabot ang binili nya.

"Thanks."

Hindi nya ko pinansin at dumeretso sya sa mga dala namin at tyaka inayos yun.

'Buwisit! Ngayon, pano ko na ibibigay sa kanya to eh nauna na si Zay?!'

"Kamusta na si Kim?"
Tanong ni Sari sa kanya. Wala naman akong nagawa kung hindi ang umupo na lang sa sofa at makinig sa usapan nila. Sinandalan ko na lang din ang pillow na binili ko, baka sakaling hindi nya na mapansin.

"Under monitoring parin sya. Hindi pa gumigising."
Seryoso namang sagot ni Nerdy.

"Hindi ba nila nabanggit kung kailan daw sya gigising?"

"Hindi."

'Kung hindi ko lang ganun ka alam na wala talaga syang kuwenta kausap? Iisipin ko talaga na ayaw nya kaming kausapin!'

"Sana naman maging okay na si Kim."
Si Zay.

Nakikinig lang ako sa kanila habang nakatingin kay Kim. Naguguilty talaga ako dahil feeling ko kung hindi dahil sakin, hindi magiging ganito ngayon si Kim.

"Bat ang aga nyo?"
Tanong ni Nerdy.

"Napagmeetingan na kase kahapon ng faculty together with dean na maagang pauwiin ang mga players kapag weekends para daw makaiwas sa mga incident."
Paliwanag si Zay.

Oo nga. Nabanggit yun samin kanina ni Coach bago nya kami pauwiin. Nag bilin pa nga sya na wag daw hahayaang umuwi ng solo ang kahit na sino.

"Mm. Okay."

Bully - SHEWhere stories live. Discover now