107

1.9K 76 1
                                    

LEIGHTON

Nasa bench ako sa gilid ng gym. Masyado kaseng maraming tao at ayoko munang makasalubong ng kahit na sino.

Gusto ko ng katahimikan...

Pero mukhang hindi talaga ako malapit sa Diyos.

"Tigilan mo na nga yan."
Sita nya sakin pero hindi ko sya pinansin. Hindi ko na sya kailangang lingunin dahil kilala ko na ang presensya nya.

Muli akong humithit sa sigarilyo ko.

"Wala ka bang game? Bakit nandito ka?"
Tanong nya pa sakin.

"Eleven pa."
Sagot ko na lang at binuga sa hangin ang usok.

"Umayos ka nga ng upo! Para ka namang lalaki!"
Sita nya ulit na tinapik pa ang tuhod ko. Tinignan ko lang sya ng masama at muling humithit.

Naupo sya sa katapat kong upuan at tinignan ako ng masinsinan.

"May problema ba?"
Tanong nya pero hindi ko sya sinagot.
"Your my child kaya alam ko kung kelan ka may problema."

"Tss. Tingin mo naman sasabihin ko sayo?"
Seryosong sabi ko. Narinig ko ang pag buntong hininga nya pero hindi ko sya nilingon.

"Kuhang kuha mo ang mukha ng mga Gunner pero para kang clone ng mommy mo."
Sabi nya. Nanatili akong tahimik at hinayaan lang ang sarili kong makinig.

"Hindi ka man galing sakin, para sakin anak parin kita pero siguro nga walang perkpektong magulang dahil hindi kita napalaki sa normal na buhay. Sa kabilang banda, masaya ako dahil alam kong kaya mong ipagtanggol ang sarili mo pero magulang parin ako, at natatakot akong isipin na maaaring kami pang mga magulang mo ang nag lagay sayo sa kapahamakan."

'Huli na para mag sisisi. Ganito na ko at wala na tayong magagawa.'

"Sana manatili ka na lang sa kung sino ka, dahil natatakot akong maging katulad mo pa sya."

Hindi man nya sabihin kung sino pero alam ko na kung sinong tinutukoy nya.

"Bakit? Ano ba sya?"
Tanong ko.

"Masamang tao."
Deretsong sagot ni dad hindi ko naman naiwasang matawa ng sarkastiko sa sinabi nya.

"Kung masama sya? Ano pa pala ko? Dad kilala natin pareho kung ano tayo."
Natatawang sabi ko.

"Mali ka anak. Tayo, ginagawa natin kung ano ang tama pero sya, hindi makatwiran ang mga ginagawa nya. Pati mga inosente nadadamay."
Hinithit ko ang natitirang sigarilyo tyaka ito nilaglag sa sahig at inapakan.

"Tama man o mali, pareho parin. May katwiran man o wala, walang pinag kaiba. Ang masama ay masama at ang demonyo kahit kailan, kahit saan mo ibagay, demonyo parin at isa lang ang binabagayan, sa impyerno."

Tumayo na ko at iniwan sya pero napahinto ako ng makita sa harap ko si Nixon.

'Siraulo talaga. Hindi ko man lang naramdaman ang pag dating nya.'

"Masyado mo naman ata pinapanindigan ang pagiging demonyo mo?"
Nakangising tanong sakin ni Nixon.
"Ikaw din, baka matuluyan ka at bigla kang hilayin ni Lucifer sa impyerno."

"Tss. Bakit ba kayo nandito?"
Iritableng tanong ko. Tumabi naman sakin si Dad.

Nilaban ko lang ang tingin ni Nixon. Humakbang sya palapit sakin at ganun na lang ang gulat ko ng bigla nya kong pinitik sa noo ko.

"What was that for?!"
Inis na tanong ko na nakahawak pa sa noo ko.

"Akala mo hindi ko nakita ha! Kakagaling mo lang sa ospital, nag bibisyo kana agad!"
Sermon nya sakin.

Bully - SHEحيث تعيش القصص. اكتشف الآن