052

1.9K 68 4
                                    

LEIGH

Salubong parin ang kilay ko habang chine check ako ng nurse at doctor. Nakakabuwisit naman kase tong si Kim. Ang ayoko pa naman sa lahat ay yung binibitin ang tulog ko.

"Tss. Gusto nang lumabas pero ayaw namang mag pagising."
Bulong nya.

"Hinaan mo pa."
Sarkastiko kong sabi pero nag peace sign lang sya.

Matapos akong icheck ng doctor at nurse ay lumabas na rin sila agad. Sakto namang pasok ng isang bakla na mas madaldal pa kay Kim.

"Ano na bakla? Knock out ba?"
Si Ced.

"Wag mo ng asarin. Bitin tulog nyan. Ikaw din. Baka ikaw ang maknock out. Hahahaha"

"Ano bang nangyare?!"
Tanong ni Ced habang nilalagay ang ilang balot ng plastic sa lamesa.

"Nako. Ano pabang bago. Yung mga bullies tinira yan patalikod ayan KO."

"Oh, eh ano na namang ganap mo, bakla?"

"Nasa klase ako nung time na yun. Eh ang gaga, nag hahanap ata ng gagamba sa garden kaya ayan ahas ang nakita. Natuklaw sa noo!"
Natatawang sagot ni Kim.

"Ayooonn naman pala! Ayan ang napapala ng assumerang tulad mo! May pa pasok-pasok pa kase eh sabi ng nakakamatay yan eh! Ano ka ngayon?! Sa dami ng school sa ZIPS pa kayo pumasok! Abay mabutit nabuhay kapa?! Teka, baka naman may taning kana?! Ang bagal naman ng oras mo. Bayan!"

"Naiinip kaba? Gusto mo, unahin na kita."
Napangisi ako ng makita ang pag lunok nya. Si Kim naman ay tawa lang ng tawa.

"Sabi ko nga tatahimik na! Oh sya. Kumain ka na lang ng matuluyan —este mabusog ka. Hehehehe."

"Naaakkkkss!!"
Si Kim na nanguna pa sa pag kuha ng pagkain tyaka ako binigyan.

Kumain na lang ako at hinayaan na lang silang mag usap.

"Oh, eh anong balak nyo?"
Si Ced.

"Malay ko dyan."
Pagturo sakin ni Kim gamit ang tinidor pero nag kibit balikat na lang ako.

"Nag reklamo na ba kayo?"

"Hindi pero alam na ni Dean.."
Si Kim.

"Oh eh ano daw balak ng dean nyo? Nako! Baka ang lagay eh kakausapin nya lang yung parents ng gumawa nito sayo?! Nako! Dapat don expell agad! Naturingang pinaka sikat na school eh, puro utak kriminal. Oooppss!! No offense sa inyong dalawa. Mga mukha lang naman kayong kriminal pero alam ko namang ugaling kalye lang talaga kayo."
Nag peace sign naman sya ng sabay namin syang tignan ng masama ni Kim.

Bakit ko nga ba hinayaang pumunta dito ang baklang to!

"Seryoso na. Sinong may gawa nyan sayo?"

"Ewan."

"Ha?! Gaga ka! Nag pahampas ka lang?!"

"Ikaw gusto mo hampasin kita ng pader?"

"Para namang mabubuhat mo ang pader."

"Hindi nga. Pero ikaw, kayang kaya kitang buhatin at ihampas dyan sa pader.."

"Hehehehe. Sabi ko nga. Pero wait, baka naman si ganda ang gumawa nito sayo?"

"Posibleng oo, posible ding hindi. Nako alam mo naman kung gano ka sikat yang si Leigh sa school. Wala syang kaaway pero maraming may galit dyan."

Ilang oras pa ang lumipas at puro lang sila kwentuhan. Paminsan minsan ay nag sasalita ako kapag gusto kong sagutin ang mga tanong nila. Umuwi din naman siya agad dahil mag iinventory pa daw sya sa bar. Naiwan na lang kami ni Kim ng dumating naman si Nixon.

Bully - SHEWhere stories live. Discover now