PRANK

9 2 1
                                    

I decided to prank my boyfriend because of boredom. Madami na din kasi akong nababasa na mga prank na nagkakatotoo.

"Henry, Let's end this relationship. Maghiwalay na tayo," I seriously said to my boyfriend.

"What happened? May nagawa ba akong mali?" natataranta niyang tanong. Halos gusto ko nang matawa sa hilatsa ng mukha nito.

"You cheated on me. I saw you yesterday with other girl and now I will set you free. 'Di ka pa ba masaya na pinapalaya na kita? You're now free to do the things you want," naluluhang pagdadrama ko sa kaniya.

Dahan-dahan namang nagbago ang expression ng mukha niya bago pinitik ang ilong ko.

"Ouch! Bakit mo ako pinitik?"

"Paanong nagkameron ako ng kasamang babae kahapon eh maghapon tayong magkasama inyo. And besides pang anim na prank mo na 'yan, baby," natatawa niyang saad.

"Eh, ba't nataranta ka kanina?" nakanguso kong wika sa kaniya. Kainis naman oh.

"Sinakyan ko lang kabaliwan mo 'no."

"Ah, so baliw ako? Sige mag-break na tayo hindi na ito prank," nagtatampo kong wika. Maglalakad na sana palayo sa kaniya nang higitin n'ya ako at yakapin.

"Walang makikipagbreak. Pinaghirapan kitang ligawan tapos makikipag-break ka lang. Unfair yon 'saka mahal kita kahit baliw ka," he said that melts my heart.

Paano kumalma? Paano?

Arts of HeartWhere stories live. Discover now