WRONG MOVE

1 1 0
                                    

"Sige, una na kami ni Cess,"paalam ko sa mga kaklase.

"Ingat kayo, Jemarie!" Sigaw nila sa amin.

"Kayo rin."

"Jemarie, nakita mo na ba 'yong transfer?"tanong sa akin ni Cess as if I'm interested.

"Not yet. Hindi naman ako interesado. Ano bang meron do'n?"

"Girl, napakawalang pake mo talaga. Super gwapo niya kaya tsaka halerr? 3 months na siya dito sa school hindi mo pa rin ba nakikita?" So what? Ako pa talaga may kasalanan? Dapat ba updated ako kapag may transfer?

"Mapapakain ba ako ng kagwapuhan niya? Ewan ko sa 'yo." Kinuha ko na lamang ang earphone ko bago inilagay sa tenga ko.

"Sus, baka pag nakita mo tameme ka," rinig ko pang sabi niya. Hindi ko na lamang siya pinansin.

Umuna ako ng lakad kaya naiwan si Cess sa likod at dinama ang kanta ng Join the Club. Ang gaganda talaga. Pinagsway-sway ko pa ang kamay ko tsaka pinikit ang mata para talagang feel na feel.

Wait...

Napamulaga ako nang tumambad sa 'kin ang isang gwapong nilalang. Shit! Naku, hindi ko po sinasadya.

"Wrong move," Aniya sa baritonong boses.

"Sorry po. Hindi ko sinasadya." I'm sure nangangamatis na ang mukha ko sa hiya.

"Wag kasing masyadong malikot ang kamay. Nananahimik ang junior ko tapos gagalawin mo." Napayuko ako sa kahihiyan.

"Bes, malaki ba ano ni transfer?"bulong sa akin ni Cess kaya siniko ko siya. Rinig ko pa ang hagikhik nito. So siya pala ang transfer, nakakahiya!

"Okay. Nag sorry na ako. As I've said, I didn't mean it." Lakas loob kong sabi sa kaniya. Kalma, Jemarie!

"Walang magagawa ang sorry mo, Miss." Tumigil ito at yumuko bago bumulong sa kaliwang tenga ko.

"Hala ka ginising mo si Junior. You have to tame him. Hintayin mo 'ko sa gate mamayang uwian. Walang uuwi hanggat hindi kita natitikman." Agad ko siyang naitulak dahil doon. Manyakis!

"Gagooo!" Ngumisi naman si loko. Gwapo na sana manyakis lang.

"Just kidding, miss. I have respect to girls. So intayin mo 'ko mamayang uwian. Ihahatid kita sa inyo at ipakila mo 'ko sa magulang mo. Panindigan mo si junior ko." Kinindatan niya ko bago umalis.

Juicemother! Magkakajowa ata ako ng wala sa oras.

Arts of HeartWhere stories live. Discover now