BOYFRIEND

1 1 0
                                    

Malayo pa lamang ay tanaw ko na siya. Awtomatikong nanlisik ang mata ko. Sana naman makonsensya siya.

"Ano, Pierce? Masaya kana ban ha!" agad kong sigaw sa kaniya na nakaagaw ng atensyon ng iba.

"Hindi ko naman 'yon ginusto, Alice," paiyak niyang sagot.

Sige lang makonsesya ka.

"Hindi ginusto? Ang sabihin mo mang-aagaw ka!" lalong nagsidamihan ang mga nanonood sa amin.

Eskandalosa na kung eskandalosa.

"Hayaan mo naman akong maging masaya. Simula mga bata pa lang tayo laging ako ang nagpaparaya sa 'yo. Intindihin mo naman ako." Paawa ka pa kala mo naman maaawa ako.

Lalong nag-ingay ang mga nakakarinig sa amin. Kanya-kanyang bulungan na tila ba alam na nila ang nangyayari.

"So gumaganti ka, Pierce? Alam mong may girlfriend 'yong tao tapos lalandiin mo? How dare you. Ganyan kana ba kadesperada para mang-agaw ng boyfriend? at sa kakambal mo pa talaga!" halos kapusin ako ng hininga sa sinabi ko.

Tuluyan naman siyang napatanga at natulala. Hanggang sa bigla nyang pitikin ang noo ko.

"Gaga, wala kang jowa. Huwag ka ngang assuming diyan. Ibalik mo sapatos ko mamaya."

"Hehe, wala pala ako n'on. Sorry na nacarried away lang."

"Mga Gago"

"Tang-ina sapatos lang pala"

"Kala ko sabunutan na"

"Wala naman palang jowa"

Napatawa na lang kami sa reklamo ng manonood bago sila nagsi-alisan.

Arts of HeartWhere stories live. Discover now