DARE

2 1 0
                                    

Bwisit na Drake na 'yon. Hindi man lang nagsorry kahit natapunan niya ako ng juice sa uniform.

"Oh, bat ganyan mukha mo?" tanong ni Xandra, bestfriend ko.

"Pa'no kasi 'yong walaghiyang Drake na 'yon tinapunan ng juice ang uniform ko, Look." tinuro ko sa kaniya ang may mantsa kong blouse.

"Ah! I have an idea. Gusto mo bang makaganti?" biglaang tanong niya.

"Oh, ano na naman naiisip mo?Alam mo namang imposible akong makalapit d'on sa mokong na 'yon, makaganti pa kaya. Eh parang siya na ang hari dito sa school," pangunguna ko.

"Ikaw bahala p'wede pa rin 'yang maulit sayo at sa iba. Tsaka ang kilala kong Lea palaban."

"Wait, What makes you think na gagawin ko ang naiisip mo?" taas kilay kong tanong sa kaniya.

"Hmmm, 1 week treat for lunch?"

"No,Tigilan mo 'ko. Ginagamit mo ang kahinaan ko."

"2 weeks?"

"Still no."

"Okay, 1 month. Deal?"

"Deal, So what's your crazy dare?"

- -
Kabado akong naglalakad palapit kay Drake. Punyeta talaga, kung hindi lang talaga ako makakatipid ng 1 month hindi ko 'to gagawin.

*FLASHBACK*
"Deal. So what's your crazy dare?"

"Just very simple. Just punch him on his face but make sure na mapupuruhan ah," nakangisi niyang saad na ikinalaki ng mata ko.

"Wait, What! Are you crazy? Ikaw ba ang may galit sa kaniya o ako?" Nawiwindang ako sa naiisip nitong kaibigan ko.

"Well, I'm just doing you a favor. It's exciting kaya."

"Fine. Ako na bahala."
END OF FLASHBACK*

Tumigil ako sa harap niya. Mukhang nagtataka at nakakunot na noo ang sinalubong niya sa akin.

Shit! Ba't ang gwapo niya. No Lea, you can do it. Walang sabi-sabi ko siyang sinuntok nang malakas sa mukha bago tumakbo nang mabilis. Feeling ko nga namanhid ang kamao ko. Sana sikatan pa ako ng araw bukas.

"OMG! Beshy you did it! 'Yon nga lang kalat na sa social media ang ginawa mo." Muli akong napairap.

Sabunutan ko kaya 'tong kaibigan ko nang matauhan siya na kagagawan niya ito?

"Kasalanan mo 'to eh. Bahala na, tara libre mo na ako. Remember, nagawa ko 'yong dare?"

"No problem."

Habang naglalakad kami sa hallway ay puro masasamang tingin ang ipinupukol sa akin ng mga kababaihan. So what? Their precious Drake deserves my punch. Napatigil kami nang may grupo ng babae ang humarang sa amin. Wala sabi-sabing sinabunutan ako.

Tadyak, kurot, sampal ang inabot ko sa kanila. Hindi naman ako matulungan ni Xandra dahil hawak siya ng mga alipores. Kapag ako nakalabas dito humanda kayo.

"STOP!" tumigil lang sila dahil sa maotoridad na boses. Thanks kung sino man siya.

Inayos ko muna ang sarili ko bago tumayo.

"Let me punish this girl through my own way." Nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig ang boses niya. Unti-unti siyang lumapit at dahil nga sa kaba ay hindi na ako makagalaw.

"A-anong gagawin mo?" lakas loob kong tanong sa kaniya.

"I'll punish you." Walang pasabi niya akong kinabig at hinalikan. Agad naman siyang humiwalay at 'saka bumulong na siyang ikinatayo nang balahibo ko.

"You're sealed. You can hurt me forever, baby but you'll never escape from my sweet punishment."

Damn.

Arts of HeartWhere stories live. Discover now