PABUHAT

1 1 0
                                    

Padabog akong naglalakad patungong gym. Nakakainis! Pa'no ba naman kasi 'yong magaling kong crush binuhat 'yong muse namin kasi nahimatay daw kuno.

Kung alam lang nila, nagpapanggap lang 'yon.

Pagpasok ko ng gym ay agad na-spottan ng singkit kong mata ang crush ko. Basang-basa siya ng pawis. Ang hot niya kahit pawisan.

"Hoy Glaiza, dito ka oh!" Dinig kong tawag sa akin ng bestfriend ko sa kabilang banda.

"Sige."

Napatingin naman ako kay crush bago may naisip na kalokohan.

Dahan-dahan akong naglakad at nang masigurado ko na malapit na ako kay Owen ay nagsimula na akong umarte.

"Aray! Ouchhh! Ang sakit!" with matching naiiyak face.

"What happened? Anong masakit sa 'yo, Glaiza?" napangisi naman ako dahil sa natataranta nitong mukha.

"An-ang sakit ng paa ko. Natapilok kasi ako. P'wede bang pabuhat hanggang do'n?"

Perfect! Artista kana, Galay! Magaling- magaling!

"No problem."

Bumilis ang tibok ng puso ko nang binuhat niya ako ng pa-bridal style. Ang bango ng asawa ko.

Nag-umpisa na itong maglakad kaya isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya pero nagtaka ako nang agad din itong tumigil habang nakangisi.

"Next time baby, pakidistinguish ng maayos kung alin ang masakit. Kapag paa 'wag sa tiyan ang hawak, ha?"

Namula naman ako sa hiya. Ambobo mo, Galay. Lalo naman akong napayuko.

Pero teka baby daw?

"And besides, you don't need to get my attention by doing that. Kung nagseselos ka dahil may binuhat akong iba. Don't worry aaraw-arawin kong gawin 'yon sa 'yo kapag asawa na kita."

Napayakap na lamang ako ng mahigpit sa leeg niya dahil sa sobrang kilig bago siya nakangiting naglakad.

Arts of HeartWhere stories live. Discover now