BLUEPRINT

6 2 1
                                    

"Louie, ibili mo naman ako ng fries," sambit ko dito nang mapansing busy na naman siya sa pagce-cellphone.

"Later love, I just have to finish this," he said without looking at me.

Baka katext na naman niya 'yong babaeng kausap niya kahapon sa work niya. 'Kala niya hindi ko nakita.

"Ano bang mayroon sa phone mo at hindi mo mabitawan, ha?" tanong ko sa kanya.

"Sa work ito love, you don't have to worry," aniya. Naningkit naman ang mata ko sa sinabi nito.

"Liar! May babae ka, ano? Tell me."

Napatigil naman siya sa ginagawa at gulat na napatingin sa akin.

"Porke engineer kana akala mo magagawa mo na lahat. Sige do'n kana sa babaeng kausap mo kahapon," naiiyak kong sumbat dito.

"Ayan kana naman sa ka-praningan mo eh," parang naiinis niyang tono.

"So, ako pa ang may kasalanan? Fine! Ako na ang may kalandiang iba. Ako na ang may ibang lalaki! Happy?"

Taenang selos kasi 'to eh!

"What are you talking about, Mae? Wala akong iba!" sigaw niya sa akin.

See? Sinisigawan niya na ako.

"Liar! Tama na, magbreak na lang tayo tutal may iba kana naman. Magsama kayo," umiiyak kong sambit.

Tumalikod na ako dahil sa galit at aakyat na sana nang mapansin ko ang blueprint niya. Kinuha ko iyon at pinunit sa harap niya habang umiiyak. Ginalit niya ako eh.

Napanganga naman siya sa ginawa ko at dali-daling lumapit sa akin.

I thought he's going to hurt me, but instead he hugged me tight and wiped away my tears.

"Damn! Stop crying baby. Next time, tell me if you're jealous and I will marry you in front of that fucking girl. Please, huwag ang blueprint ko, baby," then he kissed my forehead.

Damn this engineer!

Arts of HeartTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang