I GOT THE SOLDIER'S HEART

4 1 0
                                    

"Sige na, kambal!" pagmamakaawa ko sa kaniya ngunit tiningnan lang niya ako ng masama.

"No. You're not going there. Ayaw naman niya sa 'yo. Huwag mo nang ipilit ang sarili mo," saad ng aking kakambal dahilan para makaramdam ako ng kaunting lungkot.

"Alam ko naman 'yon. Gusto ko lang siyang makita. Hindi mo na kasi siya isinasama sa bahay eh. Makita ko lang siya okay na ako." Nakita ko namang napabuntong hininga siya.

"Fine. I'll try if Jego will go with me. Siya na lang dadalhin ko dito sa bahay." Agad ko siyang niyakap dahil doon.

Jego is my crush since the day that my twin introduced him to us. He's cold to me but when it comes to his friends doon lumalabas ang pagkatao niya. I don't know if he just dislikes me or he prefers to be with his friends. Anyway, it doesn't matter. I still like him.

"Goodmorning, Jego! Did you miss me?" Masayang bungad ko sa kaniya pero hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Abala ito sa pagce-cellphone. Tsk, napakasungit talaga.

"Goodmorning, Bella! Gumaganda ka ata ah." Napairap ako nang batiin ako ng isa sa mga kaibigan ng kakambal ko. He's annoying.

"Goodmorning, Ryan," masungit kong tugon dito bago mabilis na nagmartsa paakyat sa aking kwarto ngunit hindi nakatakas sa aking mata ang pagngiti ni Jego. Damn, he smiled.

"Get off, Ryan! Huwag ka sa tabi ko," naiinis kong bulyaw sa makulit na lalaking itong nagpupumilit tumabi sa akin.

"Bella, nasa hapag kainan tayo," malamig na saad ni kuya kaya napatahimik ako.
"Ang sungit mo naman. Tata--"

Lahat kami ay napatigil sa pagkain nang tumayo si Jego at tumabi sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may kung anong nag-uunahan sa aking dibdib.

"What?" Nakakunot na tanong niya habang tinitingnan kaming isa-isa. Pare-pareho naman kaming napailing bago muling nagpatuloy sa pagkain. Lihim aking napangiti habang nagpipigil ng kilig.

"Kailangan ba talagang ngayon na? Bawal ba mag-extend?" Naiiyak kong tanong sa aking kakambal.

Alam kong simula nang pinasok niya ang pagsusundalo ay laging nakaabang si kamatayan sa kaniya and I can't do anything about it.

"No. Just take care always, okay? Wala na tayong magulang at wala ako sa tabi mo. Gusto kong matuto kang mag-isa. I love you." Napaluha ako lalo nang halikan niya ako sa noo.

"Take care, bal. Ipangako mong babalik ka ng buo at humihinga," naiiyak kong bilin sa kaniya. Tumango ito bago ako muling niyakap at tinalikuran. Ang sakit makita na nag-iisa na nga lang pamilya na mayroon ako tapos anytime pwedeng mawala sa akin.

Saglit kong sinulyapan si Jego. Mabilis kong tinakbo ang distansya na mayroon kami. Alam kong nagulat siya pero hindi ko lang maiwasan mag-alala.

"Mag-ingat kayo. Please, look after my twin brother. Siya na lang ang mayroon ako." Tanging tango at isang tipid na ngiti ang isinukli nito sa akin.

Pangako, pagbalik mo sisiguraduhin kong magpapakasal na tayo.

Matapos ang 6 na buwan, ito ako't umiiyak habang pinapanood ang balita tungkol sa mga sundalong namatay sa labanan. Nananalangin na sana'y ligtas sila. Magkahalong takot at pag-asa ang aking nararamdaman. Hanggang sa makatanggap ako ng tawag.

Nanginginig kong sinagot ang tawag. "H-hello?"

"Bal..." Para akong nabunutan ng tinik nang marinig ang boses ng aking kakambal.

"Are you okay? Hindi ka ba nasaktan?"

"I'm fine. Calm down. Uuwi na ako diyan mamaya."

Matiyaga ko siyang hinintay. I miss my brother so much.

"K-kuya..." Mabilis niya akong niyakap dahilan para mapaiyak ako.

"Shhh. I'm sorry. Hindi na kita iiwan ulit." Kumalas ako nang yakap dahil sa sinabi niya.

"Really? Wait, Where's Jego and Ryan?" Tanong ko sa kaniya bago tiningnan ang kaniyang likod dahil dito muna nadiretso ang dalawang iyon bago umuwi sa kanila.

"Ryan is okay, nagpapahinga pa siya sa hospital. But Jego..." Napayuko ito at halatang hindi kayang ituloy ang sasabihin.

Nagsimulang tumulo ang luha sa aking mga mata. "Nakasurvive naman siya 'di ba?"

"He didn't survive." Halos mapaluhod ako dahil sa panghihina. No, magpapakasal pa kami. Hindi siya maaaring mamamatay.

"No! No! This can't be happening! Magpapakasal pa kami, bal." Niyakap niya ako habang tinatahan.

"A-ang daya niya naman eh. H-hindi ko pa nga siya nakukuha tapos kinuha agad siya ni Lord."

"Sinong may sabi na hindi mo pa ako nakukuha?" Halos mapatalon naman ako nang marinig ang boses na 'yon! Halos mamatay naman sa katatawa ang magaling kong kakambal.

Naiiyak ko namang tiningnan ang buhay na buhay at humihingang si Jego habang may hawak na bulaklak.

Dahan-dahan itong lumapit sa akin. Para akong hinihigop ng kaniyang mga mata.

"Sorry for making you worried. Natatakot lang ako na baka isang araw bangkay ko na ang uwuwi sa 'yo. Natatakot ako na maiwan kita at higit sa lahat natatakot ako na magmahal ka muli ng iba kung sakaling maiwan ka. Because since the day I met you, you already got my heart. You already got me, Ms. Bella Fuentes," wika niya habang pinupunusan ang mga luhang lumalandas sa aking pisngi.

Pinagpapalo ko siya ngunit agad niyang hinuli ang aking kamay. "A-akala ko namatay kana. Akala ko hindi ka nakasurvive," turan ko.

"Tama nga ang akala mo. I didn't survive. I didn't survive from you. I lose. This soldier is always dying for your love. Would you still want to marry this man infront of you?" Hindi ko na alam kung saan ko pa ilalagay ang saya na aking nararamdaman nang lumuhod siya sa aking harapan.

"Would you still marry this soldier even if his one foot was burried in the pit?"

Sunod-sunod na tango naman ang ibinigay ko sa kaniya. I can't imagine that this day will come. "Yes!"

Mabilis niyang isinuot ang singsing sa aking daliri bago ako niyakap ng mahigpit. "I love you. Thank you, my Doc."

Arts of HeartWhere stories live. Discover now