GROUP PROJECT

1 1 0
                                    

"Hoy Andrea, tama na 'yang kase-cellphone mo. Kumain kana," sita sa akin ni mama habang busy ako sa kaiistalk sa crush kong si Kian.

"Ma, tingna mo crush ko. Gwapo, ano? Sabi ko sa inyo ganda ng taste ko." Sabay pakita ng picture sa kaniya.

"Tama na 'yan. Araw-araw mo na ngang pinakita hanggang ngayon naman 'di ka pa rin crush."

"Aray, ma ah."

"Maaaaaaa! Andito na po kamiiii!" sigaw ko kay mama pagdating sa bahay. Dito kasi kami gagawa ng group project and leader namin si crush.

"Oh, papasukin mo na sila Andeng. Ipaghahanda ko kayo ng meryenda!" sigaw ni mama pabalik.

"Opo, ma!"

Habang naghahanda si mama ay ginawa na muna namin ang aming Group project. Actually wala naman akong naitulong bukod sa pagnanakaw ng picture sa aming leader.

"Meryenda na kayo mga ineng at hijo." Tamang tama ang dating ni mama dahil mga gutom na kami.

"Salamat po," nakangiting wika ni Kian kaya napainom agad ako.

Shit mama, kaharap mo na future son in law mo!

"Teka, parang pamilyar kan hijo." Muntikan na kong mapabuga. Oh no- no, ma!

"Po?" nagtatakang tanong ni Kian.

"Hindi ba't ikaw 'yong crush nitong si Andeng. Lagi ngang pinapakita mga picture mo sa'kin eh." jusko!

Wala na buking na. Itatakwil na talaga kita mama.

"Mama, naman eh." Namumula na siguro ako sa sobrang hiya.

"Naku, hindi po totoo 'yan." Aray mga bes. Rejected ang ateng. Napayuko na lamang ako.

"Hindi niya po ako crush kasi boyfriend niya po ako, by the way bless po, ma," dagdag nito bago niya ako kinindatan.

Shit, Ma! I'm getting married!

Arts of HeartМесто, где живут истории. Откройте их для себя