3

64.4K 2.5K 491
                                    

Roan Dela Mercid

Nagising ako dahil sa malakas na katok mula sa pintuan ng kwarto ko. Masakit pa rin ang mata ko dahil sa kakaiyak kagabi.

Pagbukas ko ng pintuan, nakita ko si Axel na nakalukot ang mukha at magkasalubong ang kilay.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Let's talk." malamig niya sabi sa akin.

"Wala ng dapat pang pag-usapan, Axel." Sabi ko dito at matamlay na naglakad pabalik sa loob ng kwarto. Naramdaman kong sumunod siya sa akin papasok. Dumungaw ako doon sa may bintana at pinanood ang mga halaman na pinalaki namin sa aking maliit na hardin.

"Anong wala? We have a lot to talk. Specially sa ginawa mo kagabi. You shouldn't have done that to her! Hindi mo na sana siya pinatulan, Roan" Galit na sigaw niya sa akin. Magkasalubong ang kilay kong hinarap siya.

"At ano ha? Hayaan siyang insultuhin ang mama ko? Alam mo ang totoo, Axel. Buong buhay ko hindi ko pinangarap na manakit ng kahit na sino pero sana wag nila akong kantian. Tao lang din naman ako, Axel, napupuno din ako." Naiiyak kong sabi dito.

Sa totoo lang, ayoko na siyang makausap pa. Masyado ring magulo ang isipan ko at pagod ako dahil wala akong maayos na tulog kagabi. Walang magandang patutunguhan itong dikusyon namin.

"But do you really have to lie?  Kailangan mo pa ba talagang gumawa ng kwento para lang masalba ka sa kahihiyan? Do you have to shame her?!" Nanlilisik ang mga mata nito habang tinatanong ako.

Mas lalo akong nasaktan sa sinabi niya. Mas kilala niya ako kumpara sa ibang tao pero kung makapanghusga siya parang wala kaming pinagsamahan. Naging magkaibigan ba talaga kami?

"Alam mong hindi ko magagawa 'yan. Axel You know me better than anyone else. Hindi ako nagsisinungaling. I really saw them having sex inside Gelo's room! She's never the virgin you knew she was." Hindi ko maiwasang magtaas ng boses dahil sa inis.

"Yeah..I thought I know you better too pero mukhang nagkamali ako. I don't know you at all. Tell me, huh? Ganyan ka na ba kadesperado para makuha ang atensyon at sinisiraan mo na si Cheska sa akin?" He place his hand below my chin and grip it tight habang dinuduro ako. It was so damn painful. Masakit isipin na posible pala niya akong saktan physically at duruin. Joke lang ba lahat ng pag-aalaga at pag-iingat na ipinakita niya sa akin?

Desperado? Doon na tumulo ang luha ko. Oo, nagpadala ako sa emosyon ko at pumasok sa isang makasalanang relasyon pero sa una pa lang alam ko namang hindi niya ako pipiliin. Sa simula pa lang ng laro namin alam ko ng talo ako. Lahat ng pag-asa ay ibinaon ko na sa kinaibuturan ng puso ko. Alam kong kailan man, he won't choose me over Cheska.Pero siguro nga sa mata ng mga tao, naging desperado ako. Isa akong salot at mang-aagaw.

"Please, umalis ka muna, Axel. Hanggang dito nalang itong pag-uusap natin. Pareho tayong wala sa tamang pag-iisip at pagod ako... Pagod na pagod na ako. Tapusin na natin 'to lahat, please? Maawa ka naman sa akin." Makahulugang pakiusap ko dito. Saglit siyang napatigil at napatitig sa akin. Nakita ko ang paglambot ng ekspresyon niya pero mabilis niya rin itong binawi.

"Fine." Sabi niya at tumalikod pero bago pa man siya tuluyang makalabas tinawag ko siya. "What?"

"Axel...I'm sorry for everthing, please be happy."

-

"Are you really sure about this, Roan?" Tanong ni Kurt. Nahihimigan kong malungkot siya sa desisyon ko pero para sa akin ito ang tamang gawin. Hindi lang para sa kanila kundi para sa sarili ko rin.

JB2: The General's Affair [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon