22

64.3K 2.3K 336
                                    

Roan Dela Mercid

"Saan ba kasi tayo pupunta, Isa? Bakit kailangan ko pang magsuot ng ganito?" Ang naiinis ko ng tanong kay Isa habang sinisipat niya ang kabuuan ko.

"Oh, here. You wear this." Kinuha niya ang kamay ko at isinuot ang isang mamahaling relos. Kakulay ito ng suot-suot kong satin dress shirt na may ribbon sa gitna. Pagkatapos niya itong maisuot bahagya siyang lumayo sa akin.

Muli akong tiningnan ni Isabel mula ulo hanggang paa at ngumite ng pagkalaki-laki. Kanina pa ako nawi-weirdohan sa kanya. Kanina ay pinilit niya akong samahan siya sa bayan dahil may bibilhin daw siya.

"Nasaan na ba kasi si Kuya Axel? He should see you in this. Pose ka nga, Roro." Itinaas niya ang kanyang cellphone at itinutok ang camera n'on sa akin. Napatakip na lang ako sa mukha ko dahil sa pinaghalong hiya at inis. Ginawa pa akong bata ng babaeng 'to.

Pagkatapos naming kumain ng agahan na niluto ni Axel kanina ay nakatanggap ito ng tawag na may kinalaman sa trabaho. Pagkaalis ni Axel ay siya namang pagdating nitong si Isabel na sobrang lawak din ng ngiti.

"Roro, please? Minsan lang ako humingi ng please eh." Kinurap-kurap pa nito ang kanyang mga mata at tila nagpapa-cute sa akin. As if tatablan naman ako niyan. Nakalilmuntan niya yatang bakla ako at tanging sa mga pa-cute lang ng lalaki ako nadadala.

"Ang arte mo naman, Roan. I only want one picture from you. Iniwan niyo pa ako ni kuya kagabi." Ang dismayado nitong sabi at ibinaba ang kanyang cellphone. "Nevermind. Wag na nga lang." Dagdag niya.

Hito na naman po siya't nag-iinarte. I rolled my eye at het and let out a sigh. "S-sige na nga. Ang bilis mo namang magtampo."

So ayon nga po, ilang oras din akong napasubo sa babaeng ito. Iyong pagpi-picture niya lang sana sa damit ko ay nauwi sa isang maternity shoot. Napunta pa kami sa kung saan-saan doon sa labas para makapag-picture. Ang cellphone niya ay pinalitan niya rin ng dala-dalang DSLR cam.

"Okay! Good! Perfect! Ibebenta ko to kay kuya. I'll just change really quick then we're good to go." Napakamot nalang sa noo ng tumakbo ito papasok ng bahay. Hindi ko talaga magets ang utak ng mga babae. They're scary, manipulative at may iba't-ibang personalidad. Papalit-palit rin ang mood nila. Sometimes they're sweet and funny then they get really mad.

Susunod na rin sana ako papasok sa bahay ng tumunog ang cellphone ko. Napakunot ang noo ko ng makitang galing ito sa isang unknown caller.
Kahit hindi ko ito kilala ay pinindot ko pa rin ang call button. Baka si Austine ito o si sir Nathan.

"Hello? Sino 'to?" Masakit na ang paa ko kakatayo kanina kaya umupo muna ako sa upuang ginawa ni Axel dito sa labas.

"R-Roan? Anak? I-ikaw ba 'to?" Napasinghap ako ng marinig ang boses...ang boses ng mama ko.

"M-mama? Mama ako 'to si Roan." Napatakip ako sa bibig ko para mapagilan ang sarili na humagulgol. Ang mama ko. Miss na miss ko na ang mama ko.

Kahit hind man kami nagkakasama ng matagal dahil sa kundisyon niya, mahal na mahal ko pa rin ang mama ko. Kahit na ipinagtutulakan niya ako palayo mahal ko pa rin siya. Kahit ilang beses na niya akong muntik ipahamak mahal ko pa rin siya. Alam kong may problema na si mama sa pag-iisip.  Hindi na ito magiging normal pa ulit kailanman at tanggap ko iyon. Ang tanging magagawa ko nalang ay unawain ito.

Nang kinuha ako noon ni mama mula sa mama ng aking pumanaw na ama ay dinala niya ako sa mansion ng mga Juariz. Ilang buwan pagkatapos noon ay ipinakilala niya sa akin ang bago niyang kasintahan. Ang lalaking sumira sa buhay naming dalawa. Driver dati nila Axel ang naging kasintahan ni mama at siya rin ang nagturo nito tungkol sa droga. Iniwan...iniwan ako ni mama para sa lalaking 'yon. Ipinahamak ako ni mama dahil sa lalaking 'yon at sa drogang kinababaliwan niya.

JB2: The General's Affair [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon