26

56K 2.1K 648
                                    

Christian Balbueno

"Putangina kang bakla ka! Hindi pa nga ako natira ni Allistain susulpot ka na ha? Bwiset ka! Bwiset ka! BWISET!" Ang malakas niyang tili habang paulit-ulit na tinatadyakan ang tiyan ko.

Sa halos tatlong araw kong pananatili dito, walang araw na hindi ako nakakatanggap ng sakit sa katawan. Paulit-ulit nila akong tinatadyakan, sinusuntok at pinapalo. Hindi na ako bata at alam kong kaunti na lang rin ang oras ko dito sa mundo.

I have a lot regrets it the past but I think I have lived enough. May mga mapapait mang nangyari sa buhay ko dati but I found my rainbow after that storm. My only regret right now ay ang kung kailan ko kailangan maging malakas ay doon rin ito wala. I want to help Roan but I'm useless right now.

I don't think I can even lift a finger. Literal na lantang gulay na itong katawan ko.Ni hindi ko na magawang umiyak dahil naubos na ang mga luha ko. Nakatulog na lamang ako na puno ng tadyak at pasa ang aking katawan.

"Christian. Christian, mahal. Wake up. Oh, God. Please, wake up, baby." Labis na pagod na ang nararamdaman ko at gusto ko ng matulog habang buhay.

Gusto ko ng magpahinga pero may ibang dinidikta ang katawan ko.

Kahit pago ay sinunod ko ang pakiusap nito.Dahan-dahan kong ibinuka ang mata ko at nakita si Allistain na umiiyak. Bakas ang labis na pag-aaalala sa gwapo nitong mukha.

"Allistain...si Roan.." Ang humihikbi kong bulong sa kanya habang  mahigpit na kumapit sa leeg niya.

Kahit kailan ay hindi makakalimutan ng katawan ko kung paano iparamdamn ng katawani ni Allistain ang kakaibang init at seguridad na nararamdaman ko tuwing nasa mga bisig niya. Siya lang at ang kakaibang mahika na dala ng presensya niya.

"Alam ko, alam ko, mahal. Sila Axel at ang mga kapatid niya ang bahala doon. Ikaw ang prayoridad ko ngayon." Ang bulong nito habang paulit-ulit niya akong hinahalikan sa noo. Muli akong nakatulog sa bisig niya. Alam kong protektado ako doon.
Alam kong hindi nila pababayaan si Roan at ang mga anak nito.

Axel Zein Juariz

"Axel, be careful." Ang paalala sa akin ni Jonas bago ako tuluyang lumabas ng sasakyan.

Kanina pa nakapasok sila dad at ang mga tauhan niya sa east wing ng mansyon kung saan naroroon si tito Christian. They have infiltrated that part of the house. Unfortunately, Roan's on the west wing. Ayon kay Rico na nakuha namin kanina.

"Sandali, kuya! Saan namin itatapon ang katawan nito?" Napalingon ako kay Francis na hila-hila ang katawan ni Rico. Nasa tabi nito si Ian na abala sa paghithit ng sigarilyo.

"Anywhere you want. Pwede niyo rin 'yang ipalapa kay Luciano at Char." Ang malamig kong sagot dito bago ipinagpatuloy ang paglalakad papasok sa kanlurang entrada ng mansyon. Luciano and Char are Bengal Tigers na iniregalo ni lolo kay dad noong kasal nila mama.

Tahimik at buong pag-iingat akong pumasok sa loob mansyon. It's been ages since I was here and it brought back a lot of painful memories. Ayoko ng dagdagan pa 'yon. I don't want anyone important to me to die here. Kung may mamamatay man dito sisiguraduhin kong sila Kurt iyon.

Mabilis akong nagtago sa likuran ng haligi ng sala nang marinig ang mga yapak ng mga tauhan ni Kurt. As much as I wanted to fight them, it would take me so much time. Wala akong oras makipag-buno sa mga walang silbing nilalang. Every second is important.

JB2: The General's Affair [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon