8

68.9K 2.5K 713
                                    

Axel Juariz

I stared at Cheska while she was busy looking after her face. Ingat na ingat niyang ipinahid ang mga kolorite niya sa mukha while smiling widely. I don't understand how she could still be  happy gayong isang linggo na nga kaming hindi nagkakaunawaan.

She kept on pestering me on my home kahit alam nitong may confidential akong tinatrabaho. She kept on insisting that I am cheating on her. Idagdag pa ang pagtatanong niya ng paulit-ulit sa kasal.

Kasal huh.

After I attended my mom and dad's wedding I always dreamed of waiting for someone in the altar, exchanging vows and promises with them. I became the hopeless romantic. Noong mga bata kami, I saw the qualities of the woman I wanted to marry kay Francheska. I pursued her thinking that she's almost the same as my mom so I should marry her.

Tama nga siguro iyong sinabi nilang matalino ka sa pag-aaral pero bobo ka naman sa pag-ibig. And I never felt so dumb before. I never felt so hurt and foolish. Karma ko na ba ito sa ginawa ko kay Roan?

"You look so happy."

She turned her head on my side and looked at me na para bang nahihibang na ako.

"Why can't I be happy?" Taas kilay niyang tanong sa akin at bumalik sa kanyang ginagawa.

"Cheska, I came here to talk about us. I want to clear everything between us." I said exhaustedly. I was so stressed the whole night noong nalaman ko ang buong katotohanan. Ni hindi ko magawang makapag-isip ng tama.

"It's okay, baby. I forgive you already. Also, give me the date na for our wedding so I can talk about the plans with tita and mommy." She said while smiling brightly at me.

I sighed deeply. I wish I was the reason behind that beautiful smile. Sadly, it's impossible.

"I'm sorry to break it to you, hun, but there will be no longer a wedding." Seryoso kong sabi dito. Nakita ko ang pagkalusaw ng ngiti ni Cheska. Her face is now filled with shock, fear and confusion.

And I never felt so satisfied in my life. Hindi ako isang santo at mas lalong hindi ako tanga. Maybe, I was. At some point in my life naging tanga ako but not now.

I should always remember that I'm a Juariz. A Juariz should never be fooled. Baliw lang ang mangga-gago sa amin.

"W-what do you mean babe? Anong walang kasal?! Axel you can't do this to me!" hysterical niyang sigaw at tumayo mula sa kanyang upuan.

"And why can't I, Cheska?" Tiim bagang kong tanong dito.

"Because you love me! You promised me. Diba? You said I'm gonna be your queen, ako ang magiging katuwang mo habang buhay." She said while crying. Kung ibang pagkakataon ito baka hindi ko siya matiis at bawiin lahat ng sinabi ko.

Pero alam ko na ngayon ang totoo. Kung gago ako, mas putangina ang malanding ito.

"Habang buhay huh? And then what?! Gagaguhin mo rin ako habang buhay?! Putang ina ka. Hindi ako nagsisi sa ginawa ko sayo what I regret is losing my bestfriend because of your shits!" Itinapon ko sa kanya ang mga litratong ipinadala sa akin ni Derick. Pati ang isang ultra-sound picture.

JB2: The General's Affair [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon