10

69K 2.5K 190
                                    

Roan Dela Mercid

Mabilis akong umalis papalayo sa lugar na 'yon ng makita kong lilingon si Axel papaharap sa direksyon ko. Balisa akong naglakad papasok sa isang fast food chain at naupo sa loob nito.

Tagaktak ang pawis ko kahit sobrang ginaw dito sa loob ng mall. Medyo sumakit rin ang tiyan ko. Kaya hinimas-himas ko ito para kumalma ang puso ko.

Bakit siya nandito? Bakit nakarating siya dito?

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Wala na kaming ugnayan sa isa't-isa. Tinapos ko na ito noong galit niya akong sinugod sa bahay ko sa Manila. Wala naman akong problema kung mag kita kami pero may pangamba at takot sa puso ko.

Kung magkaharap nga kami, ano namang sasabihin ko sa kanya? Welcome? Please enjoy your stay? Let's be friends again? Hindi naman siguro ganun kadali ang lahat. As much as possible ayoko pang makita siya o makausap dahil nahihiya pa ako dito. Matapos ang ginawa kong pagsira sa relasyon nilang dalawa ni Cheska, I don't think I still have the face to talk to him casually.

Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko mula sa aking bulsa kaya kinuha ko ito at sinagot ang paparating na tawag mula kay Kurt.

"Hello, Roro? Nasaan ka ngayon?" Tanong nito sa akin mula sa kabilang linya. Napakagat ako sa labi ko at iginala ang paningin sa loob ng mall. Balisa akong pumasok dito kaya hindi ko alam kung nasaan ako.

"Nandito ako sa Jollibee. Gusto mo bang lumipat ako sa Mang Inasal?"
Tanong ko dito pabalik habang sapu ang umbok ng aking tiyan. Sumasakit na naman kasi.

"No! Just stay there. Diyan ka lang, okay?" Halata ang pagkataranta sa boses nito kaya hindi na ako umalma sa pakiusap niyam

"Mmm. Dito lang ako." Sagot ko dito. Ayoko rin namang maglakad-lakad sa labas knowing that Axel is lurking around.

Matapos ang paghihintay ng ilang minuto ay dumating si Kurt na hingal na hingal. Mukhang tumakbo ito mula sa itaas papunta rito. Balisa itong lumingon-lingon sa paligid bago niya ako nakita at mabilis na nilapitan. Isang mahigpit na yakap ang iginawad niya sa akin ng tuluyab na nga siyang makalapit.

"B-bakit? Anong problema?" Tanong ko dito habang hinahagod ang kanyang likuran.

Hindi kaagad siya sumagot at nanatili lang sa pagkakayakap sa akin. Ilang segundo din kami sa ganoong posisyon at kahit na pinagtitinginan na nga kami ng ibang kumakain dito ay hindi ko pa rin siya sinisita.

"Nothing. Akala ko kasi ay kung ano nang nangyari sa'yo dahil 'di ka na bumalik sa department store." Aniya ng tuluyan na siyang kumalas mula sa pagkakayakap sa akin.

"Medyo sumakit nga ang tiyan ko kanina kaya naghanap ako ng pweding mapagpahingahan. Pero okay na naman ako kaya wag ka ng mag-alala." Sabi ko dito habang himas-himas ang tiyan ko.

"Baka nagutom na si baby. Let's eat na lang muna then let's just go home after. Baka mapano ka pa." May halong amusement ang nag-aalala nitong mukha. I know he was just trying to lighten the mood.

"Hahaha baka nga."

Hindi na nga kami lumipat ng ibang lugar at dito na kumain. Habang kumakain kami, halata ang pagkabalisa at pagkawala sa sarili ni Kurt. Gusto ko sana siyang tanungin tungkol kay Axel pero mas pinili ko nalang na itikom ang bibig ko at isa puso ang kung ano mang katanungan ang namumuo sa aking isipan.

JB2: The General's Affair [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon