16

73.2K 2.6K 684
                                    

Roan Dela Mercid

Napapikit ako ng mariin ng marinig ang boses ni Axel sa kabilang dako ng pinto na sunod-sunod niyang kinakatok.

"Don't skip your meals, Roan. Get out here at kumain ka." Utos niya sa akin.

Hindi ba niya maintindihan na ayaw kong makita ang pagmumukha niya? I want him out of here. I want him out of my life. I can take care of myself without him. Nagawa ko ngang alagan ang sarili ko sa ilang buwang pamamalagi dito, magagawa ko rin ito sa mahabang panahon.

Kahit pa ayaw ko siyang makita bumangon na ako dahil mag-aalas dos na ng tanghali. Mahigpit pa namang bilin ni doc na dapat ay kumain ako sa tamang oras.

Tahimik akong lumabas at hinarap si Axel. Sinuri ko ang kabuuan nito. Parang wala kaming nagawang sagutan kanina sa sasakyan.

"Pasensya na kung nasigawan kita kanina." Hinging paumanhin ko dito. I know he didn't mean any harm to me. Masyado lang siguro akong tinamaan ng sumpong.

"It's fine. Let's eat. Ininit ko nalang ang pagkain natin kanina. Fortunately, wala namang masamang nangyari sa kusina. Do you have any request?" Hindi ko alam kung bakit iniiwasan niya ang pakikipag-usap tungkol sa nangyari kanina.

I want to know his reaction. Pilit ko mang itanggi, may maliit na parte pa rin sa puso ko na umaasa na baka pwede kami. Napakarupok ko ba?

Umiling ako dito at dumiretso sa kusina para kumain. Magkaharap kaming kumain pero wala kaming imikan hindi kagaya ng mga nakaraang araw.

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa sink at naghugas ng pinagkainan. Matapos kong mailagay ang plato, kutsara at mga baso sa lalagyan nito ay nakaramdam na naman ako ng gutom.

Gusto kong kumain ng strawberry ice cream na may strawberry jam at strawberry.

Binuksan ko ang ref para icheck kung nandoon pa ba 'yong dinala na jam ni Axel. May kaunti pang jam at icecream pero walang strawberry. Napasimanhot ako habang hinahalukay ang ref. Wala talaga akong makitang strawberry. Kung nandito lang sana si Kurt...napakagat labi ako ng maalala si Kurt. Hindi pa ito tumatawag sa akin, isang linggo na ang nakalipas.

"Ro, anong problema?" Ang nag-aalalang tanong ni Axel sa akin ng makitang nakatanga lang ako sa harap ng ref.

"Si Kurt..." Ang sagot ko dito.

"What? Anong problema sa lalaking 'yon?" Ang seryoso niyang tanong.

"Si Kurt... k-kapag gusto kong kumain ng kung ano palagi 'yon nabibigay ni Kurt." Ang naluluha kong sagot dito. Totoo naman eh. Nasa Manila man ito o dito, palagi kaagad niyang nahahanap at nabibili ang lahat ng gusto kong kainin. Isa na rin siguro siya sa dahilan kung bakit tumataba na ako.

Nilingon ko si Axel na nakatayo sa gilid ko at tumingala. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin.

"Ano'ng ano, Roan? Anong gusto kong kumain ng ano?" Aniya sa naiinis na tono. Anong problema ng lalaking 'to?

"Pagkain, syempre! Ano bang iniisip mo?" Ang tanong ko pabalik dito. Iyong ano siguro ang iniisip ng bisugong ito. Napaka bastos talaga ng pag-iisip.

JB2: The General's Affair [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon