7.

67.4K 2.5K 474
                                    

Roan Dela Mercid

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang aking kahubadan sa harap ng salamin. If this was 3 months ago baka pandirihan ko lang ang sarili ko. Pero right now all I feel is happiness and contentment.

Nearly three months ago Axel called me. Akala ko babalik na naman ako sa dati. Iyong magpapakalunod sa anxiett at depresyon but no. I became stronger. I pick up the broken peices of myself slowly. Hindi ko na maibabalik ang dating nitong anyo but I can always tape it back together. It's not as pretty as it used to be but it will always be my greatest masterpiece. I am my parents and friends greatest masterpiece. 


I am no longer underweight and it's all thanks to Kurt. Ikaw ba naman pakainin ng halos isang kaldero sa isang araw di ka kaya tumaba? Sinasamahan niya rin ako tuwing magpapa check up ako sa bayan every month na pinapasalamatan ko talaga ng husto dahil sa sobrang excitement ko minsan hindi na ako nakikinig sa doctor.

Nagpalit na ako ng pang lakad na damit dahil nagugutom na naman ako ulit. Hindi pa din kasi dumadating si Kurt.

Nalalagi lang dito si Kurt tatlo hanggang sa isang linggo every month. May trabaho kasi siya firm ni sir Nathan at ayoko namang pabayaan niya ang trabaho dahil sa akin. Buti at pinapahiram ni sir Nathan ang isang private chopper niya kay Kurt. 

Lumabas na ako ng kwarto suot-suot ang isang maluwag na itim na sweater. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng pagkain doon at pumunta sa sala. Ng mailagay ko na ang mga pagkain sa ibabaw ng coffee table binuksan ko ang tv para manood sana ng teleserye. Nagsimula na rin akong kumain. Kung noon, subsub ako sa trabaho at pag-aaral ngayon naman ay halos ubusin ko na lahat ng pelikula at libro. Ayaw ko mang aminin but I'm starting to like this lifestyle. Masarap din naman palang maging tamad paminsan-minsan.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya napatigil ako sa pagsubo. Pagtingin ko sa screen ng cellphone ay ang pangalan ni Kurt ang naka-register doon.

"Hello, Kurt? Nasaan ka na?" Tanong ko dito.

"Hey, babe. I don't think I can go with you today. Hindi ako pinayagan ni Nathan umalis dahil nagka-emergency pero may ipinadala naman daw siyang makakasama mo. I really wanna go with you pero ayoko namang suwayin itong Nathaniel nato." Nahimigan ko pa ang pagkadismaya sa kanyang boses. Napangiti nalang tuloy ako. Ngayon araw kasi malalaman ang gender ng baby.

"Kirtkirt, it's okay. Kung gusto mo next month ko nalang ipapareveal ang gender ng babies." Suggestion ko nalang dito. Kahit ako man ay excited na rin pero alam kong mas excited si Kurt.

"No, it's okay. I want to know today basta padalhan mo lang ako ng picture."

"Sige ba. Sino daw ipapadala ni sir Nathan?" Nagtataka kong tanong. Bakit naman daw ako papadalhin ni sir Nathan eh kaya ko namang mag-isi.

"Hindi ko al——"

"TAO PO?! NANDIYAN BA SI ROAN?! AN-AN? BUNI? ALIPONGA?"

Naputol ang sinasabi ni Kurt dahil sa malakas na sigaw mula sa labas ng bahay. Napatampal na lang ako sa noo ko ng mapagtanto kung sino ito.

"Is that Austine?" Nagtatakang tanong ni Kurt sa kabilang linya. Marahil ay narinig din niya ang malakas nitong sigaw. Buti nalang talaga at malayo ang mga kapit-bahay kung hindi ay baka natapunan na ito ng tubig.

JB2: The General's Affair [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon