KABANATA 2: PALASYO

36 4 0
                                    

Nagising ako ng dahil sa liwanag.
Kinusot ko ang aking mga mata.
At sinubukang alalahanin ang nangyari nung pagkarating ko kanina.

Napaigik ako sa sakit ng aking balikat.
Hinilot ko ito upang kahit papano'y maibsan ang aking iniindang sakit.

Iginala ko ang aking mga mata sa aking munting silid.
Wala akong nakikitang kakaiba,
Senyales na walang  pumasok  ditong iba.

Sa bintana kong nakabukas.
Ang kurtina kong maikli,
Sumasabay sa hangin sa pagalpas.

Sumisilip ang liwanag ng buwan,
Ang kinang ng mga tala sa kalangitan.
Ang misteryo sa gitna ng kawalan,
At ang pagkakasundo ng lahat sa kalawakan.

Napapangiting pinagmamasdan ang magandang tanawin sa gitna ng kakahuyan.
Habang napapaligiran ng mga bundok na nagtataasan.

Inilihis ko ang kumot sa kandungan,
Saka tumayo ng dahan-dahan
At tinalikuran ang kapalibutan,
Para sa masarap naming haponan.

Iwinaglit ang malabong imahe sa isipan.
Binigyang linaw ang kasalukoyan.

Lumabas ng silid na yari sa pinagtagpi-tagping pawid.
Naamoy ang masarap na hapunan na gawa ni Inay,
Kaya ang oras ay hindi na nilustay.

Sa pahabang lamesita naroon ng naka handa,
Ang masarap na hapunang gawa.
Ng aking inang maganda.

Napangiti ako at saka binati siya…
"Magandang gabi Ina,
Pasensya sa pagtulog ng maaga,
Ngunit ako'y gumising na,
Para tikman ang iyong hinanda"

Tumango siya sakin at ako'y pinaupo na,
Binigyan ng mga kubyertos at mangkok,
Para sa mainit na sabaw na umuusok.

Nagdasal ng tahimik habang naka pikit.
Pagkaraa'y inumpisahan ng kainin ang grasyang biyaya sa amin.

~~~~~~

Pagkatapos ng kainan,
Ang mga pinggan ay akin ng hinugasan.
Hinayaan si Inay na magpahangin sa may labasan.

At ako'y naiwan sa blangkong ispasyo ng aming tahanan.
Pinipilit labanan ang kalungkotan,
Na aking nararamdaman.

Kinuha ang bag, at sinagutan ang takdang aralin.
Binilang ang kalahati sa mga bituin.
Para masagutan ng tama ang mga katanungan na aking iisipin.

Pumasok si Ina at ako'y nagpaalam na.
Sabay kaming naghiwalay, sa aming daanan.

Pumasok sa kwarto inililis ang kurtina,
Na sa bintana'y nakatabon.
Sumilip sa labas,
Tinanaw ang kabukiran.
At inisip ang ang mahiwagang kakahoyan,
Na nasa aming bayan.

Nagtatayugang mga puno,
Mga huni ng gamo-gamo.
Nagtataasang mga ligaw na damo,
Nagkakapalang mga hamog.

Mahirap ipaliwanag ang aking pakiramdam.
Ngunit para sakin ay hindi kababalaghan ang imiikot sa kwentong ito.

Mas higit pa dun ang misteryo.
Mas higit pa sa takot ang nararamdaman ko.
Mas higit pa sa kaba ang nakikita ko.

Oo iniisip niyo na atang nababaliw ako o ano.
Pero nagsasabi lang ako ng totoo.
At yun ay mahirap paniwalaan dahil hindi pa ako sigurado.

Umihip ang hangin.
Ang mga alitaptap ay nagsiliparan.
Nagbigay liwanag, sa madilim na kapaligiran.

Kuminang ang mga bituin.
Umawit ang mga kuliglig.
Kumaway ang buwan,
Na ipinababatid ang magandang kapalaran.

Inunat ang mga braso.
Humikab pa ng tudo.
Kinusot ang mga mata ko.
At saka na napagpasyahang matulog.
Hindi alintana kung naiwang nakabukas ang aking bintana

Ang Hiwaga ng GubatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon