KABANATA 7: MISTERYO

10 4 0
                                    

Third Person's POV:

At lumipas nga ang mga araw,
Siya ay nagpatuloy pa rin sa paghahanap.
Tila ba'y wala itong kapaguran.

Sa umaga'y pinipilit ang sariling maglakad.
Sa gabi'y magpapahinga,
At pagkaraa'y magpapatuloy na naman.

Nalalapit na siya sa gitna ng kagubatan.
Ng hindi man lang niya namamalayan.

Puspusan na ang paghahanap nito sa dalaga.
Kahit purong paltos na ang mga paa.

Bitbit pa rin niya ang munting patpat.
Kasama ang bag na nasa likuran lamang niya.

Nauuhaw na rin ito,
Ngunit nagtitiis siya sa kakarampot na tubig sa kanyang sisidlan.

Unti-unti na ring nauubos ang kanyang pagkaing dala.
Ngunit sa kabilang banday, hindi pa rin ito nawawalan ng pagasa.

Lilingon sa kahit saang dako,
Marahil ay nagaabang sa pagbabalik ng dalaga.
Nagiiwan din ito ng mga putol na sangga,
Seniyalis na ito'y nadaanan niya na.

Magiisang linggo na rin halos ng siya'y nagpasiyang hanapin ang dalaga.
At magiisang linggo na rin ng sundin niya ang kagustohan niya.

Hindi niya inaalintana ang init ng araw.
Ang lamig ng simoy ng hangin sa gabi.
At ipinagsasawalang-bahala ang katahimikan na namumutawi sa kanyang kapaligiran.

Wala na rin siyang pakealam sa mga insektong nagiingay.
At maging sa mga mababangis na hayop na umaatungal ng walang humpay.

At sa totoo'y nakaka-awa ang kalagayan ng binata.
Patuloy pa rin itong naghahanap,
Kahit hindi niya alam kung saan pa ba siya aabot.

Patuloy rin itong umaasa,
Kahit malabo pa ata sa malabo, ang tiyansang magkikita pa sila.

At dumako naman tayo sa kabilang banda...

Sa kanilang bahay, naroon ang ina ng binatang patuloy na naghihintay.
Umaasang ang kaniyang anak ay muling magbabalik.
Kasama na ang dati nitong sigla.

Nahihintakutan man ng dahil sa mga nangyayari'y,
Pilit na lamang niya itong tinatanggap.

May mga tanong rin sa isipan ng ginang tungkol sa kalagayan ng kanyang anak, pero'y hindi na lamang niya ito pinagtuonan ng pansin.
Sa halip ay mas minabuti na lamang niyang ipagdasal ito.

Sa hindi naman kalayuan,
Narun ang isang taong pinagmamasdan sila.
Hawak ang isang kandila, at isang langis sa parehong kamay niya.

Napapailing at napapahinga ng malalim.
Alam kasi nito ang totoong nangyayari sa mag-ina.

Alam rin niya ang misteryo sa likod ng kinahaharap nila.
Minsan na rin kasi siyang nabiktima ng ganung pangyayari.

Kaya mas pinili na lamang niyang tumahimik,
At magmatyag sa malayo,
Para maprotektahan na rin ang mga ito.

Alam rin nito marahil ang misteryong bumabalot sa misteryosong kagubatan.
Maging pati na rin ng mga kakaibang pangyayari sa loob nito.

~~~~~~

ARC'S POV

Asan ka na?.
Magpakita ka naman na sana.
Napapagod na akong maglakad.
Pero ito pa rin ako at patuloy kang hinahanap.

Hindi ko man sigurado kung saan ito patungo.
Kung sa pagpasok ko ba sa mundo mo'y may mapapala ako?.

Wala mang kasiguraduhan ang lahat.
Ngunit patuloy kong panghahawakan ang nararamdaman ko para sayo.

Nanginginig na ang kalamnan ko.
Nanlalabo na ang paningin ko.
Maging ang katawan ko'y gusto na ring sumuko.
Ngunit ang puso't isip ko'y pinipilit na ako ay magpatuloy.

Purong mga berdeng damo lang ang nakikita ko.
Maging ang nagsasayawang mga puno sa tabi ko.

Mga insektong tila ba'y tumutugtug ng instrumento.
At ang mga hayop ang nagsisilbing mangaawit nito.

Idagdag mo na rin ang mga ibong tila ba'y naghahabulan sa himpapawid.
At ang mga dahong kumakaway sa aking paningin.

Kung asaan na ba ako'y walang nakakaalam.
Maging ako man ay wala na ring pake alam.

Ang mahalaga lang sa akin ngayon, ay ang mahanap ka.
Para makasama na kita.
Ikaw lang kasi ang nagbibigay ng kasiyahan sakin.

Magpakita ka naman na sana.
Miss na miss na kita.
Hindi ko man lang alam kung okay ka lang ba.

Kung may kasama ka ba?
O baka naman nagliliwaliw ka na naman sa gitna ng kagubatan.
Hindi ko man lang alam kung hangang ba ngayon ay nagiisip ka pa rin ba.

Naiisip mo rin kaya ako?.
Sana na naman oo,
Kasi ako, hindi ka mawala sa isip ko.
Mula umaga hangang gabi.

Kaya sana magpakita ka na.
'Kasi sa paglayo mo.
Pati puso ko tinangay mo.
Kung pwede ka lang sanang kasuhan at hatulang mabilango ng panghabang buhay sa presinto ng puso ko, ay ginawa ko na...'

Ikaw ang misteryong hindi ko kayang lutasin.
Ang misteryong habang buhay na mananatiling palaisipan sa akin.

Kaya kung maaari'y hayaan mo akong makapasok sa mundo mo.
Para kahit papano'y malinawan naman ako ng kaunti tungkol sa pagkataon mo.

Ang Hiwaga ng GubatWhere stories live. Discover now