KABANATA 12: IMAHINADONG KAHARIAN

13 4 0
                                    

Nakatanaw lang ako sa nagtataasang pader sa harapan ko.
Maging sa tarangkahang nagtatayugan.

Ito na...
Makikita na kita.
Sigurado na ako sa pagkakataong ito.

Marahil ay narun ka lang sa loob ng iyong silid.
Nagaabang sa aking pagbabalik.
Habang nananabik.

Nalulula ako sa nakikita ko.
Muli na naman akong papasok sa mundo mo.
Para ipaglaban ang tayo.

Nagsisimula na namang maghuramentado ang puso ko.
Maging ang mga paru-paro sa tiyan ko.
Grabe ang baklang pakingan nito.

Pero ayos lang kung ikaw ang sanhi.
Ikaw ang dahilan ng pagkahibang ko sa bawat sandali.

Humakbang ako para sana kumatok sa tarangkahan ninyo.
Dala ang sangkatutak na lakas ng loob.

Umaasang ikaw ang magbubukas  ng pinto.
Saka tayo muling magtatagpo.
Para ipagpatuloy ang naudlot nating kwento.

Itinaas ko ang kamay ko,
Inihanda ang sarili sa pagkatok.
Ngunit nabitin ito sa ere ng ang pinto ay dahan-dahang magbukas.

Labis ang kabang nadama,
Sa pagaakalang ikaw ang una kong makikita.
Sa pagaakalang pigura mo ang aking naaaninag.

Pero hindi...
Ng ang pinto ay tuluyan ng nagbukas.
Nasilayan ko ang isang babae mula sa loob.

Akala ko nung una ikaw na...
Pero namalikmata na naman ako at ikaw ang nakita.
Nabulag na naman ako ng maling akala.

"Ginoo anong sa iyo?" ani ng Ginang sa harap ko.
Ang hinahon ng boses niya kagaya ng sa Inay ko.
Ngunit hindi niya mapapantayan ang pagmamahal ko para rito.

"Itatanong ko lang ho sana, kung naandyan ba yung prinsesang nakatira sa palasyong iyan?"
Sandali siyang natigilan sa aking itinuran.

"Ano kamo prinsesang nakatira dito?" naguguluhan siyang tumingin sa akin ng mabuti.

"Oho, yung prinsesang madalas magsuot ng bistidang pula...
Maging ng kuronang bulaklak sa kanyang uluhan..."

Napakurap ang ginang sa aking itinuran.
Tumingin siya sa akin,
At kapag kuway lumingon sa palasyong kanyang pinangalingan.

Siguro'y isa siya sa mga silbidura ng buong kabahayan.
Pero nung huli namang punta namin rito'y walang taong nandito.
Maliban na lang siguro sa prinsesa ko.

Ngunit ngayo'y kataka-takang meron na itong tagapamahala.
Na para bang iniingatan at ipinipriserba talaga ng kusa.

"Halika Iho, tuloy ka muna sa loob ng ikaw ay makapagpahinga ng kaunti man lamang."

Wala na akong nagawa kaya ako ay sumunod na lamang sa kanya.
Napapangiti dahil hindi na maitago ang pananabik sa ating pagkikitang muli.

Naglalakad kami ngayon sa malawak na parang.
Palinga-linga ako sa aking kapaligiran.

Napansin ang pagbabago ng huli namin itong puntahan.
Bakit sa lahat ata ng aking paruona'y bigla na lamang nagbabago ito ng mabilisan?.

Katulad na lamang doon sa gitna ng kagubatan.
Ang dating maraming damong naglulusugan.
Ay bigla na lamang nagsipaglantahan.

Ang munting kubo ay tuluyan ng nagiba wari mo'y maraming taon ng inabanduna.
Ang ilog na dating napupuno ng bulaklak.
Habang may paru-paro na nagliliparan.
Noo'y nawalan na ng kulay ng ako'y pumunta.

At ngayon ito...
Ang kahariang ito ay dating kay gandang pagmasdan.
Ngayo'y nagsilbi na lamang na imahinadong kaharian.

Napatigil lang ako sa aking pagiisip ng makarinig ako ng langitngit na tunog.
Hudyat ng pagbubukas ng malaking pinto.

"Nandito na tayo iho.
Pumasok ka muna at ipagtitimpla kita ng maiinom mo..."

"Salamat ho" at saka ko na ito nginitian ng pilit.
Umupo naman ako sa pinaka malapit na upoan.
Habang napapatingin sa aking kapaligiran.

Grabe talaga sa ganda itong kaharian.
Ngunit ngayo'y nawalan na ng buhay.
Nawalan na rin ito maging ng kulay.

Mayroong naglalakihang larawan sa mga dingding.
Litrato ata ito ng mga nakatira dito.

Ang unang imahe na kanan ko ay larawan ng isang babae at lalaking magkasama.
Mapuputi ang buhok,
At nangungulubot na ang balat.
Pareho din itong seryoso lang ang mukha.

Ang sunod na litrato ay larawan ng isang lalaki.
Matipuno at halatang alagang-alaga ang katawan.
Kamukha rin nito ang lalaking matanda sa unang larawan.

Siguro'y ito ang anak ng dalawang matanda.
Sa tabi nito ang larawan ng magandang babaeng sa palagay ko ay asawa naman nito.

At ang mga katabi nitong larawan ay sa palagay ko'y kanila ng mga anak.

Tatlo ang kanilang anak ang panganay ay lalaki,
Habang ang dalawang natira ay babae.

Pinakatitigan ko ito ng mabuti.
Ang panghuling larawan ay sa palagay kong bunso ng pamilya.
Ang ganda nitong tignan sa suot niyang bistidang pula.

Teka...
Parang... Parang namumukhaan ko siya.
Parang nakita ko na siya.

Pinakatitigan ko pa ito ng mabuti.
At napakapamilyar niya talaga sa aking mga mata.

"Siya ba ang hinahanap mo iho?" tanong ng bagong dating na ginang.
Siya iyong nagbukas kanina ng tarangkahan sa may labasan.

"Sino ho siya Ginang...?" hindi ko pa rin inaalis ang paningin ko sa kanya.
Pero kamukha niya ang prinsesa kong dito rin nakatira.

Parehas na parehas pa sila ng porma.
May suot din itong kuronang bulaklak na iba't iba ang kulay.
Tinerno sa bistidang nitong pula rin ang kulay.

"Tawagin mo na lang akong Hilda Ginoo. Ito na rin ang iyong maiinom."
Inilapag nito ang mainit na kape kasama ang ilang piraso ng malalaking tinapay,
Na nakalagay sa plato nitong lalagyan.

"Salamat Hilda, nagabala ka pa." at ngiti lang ang kanyang iginanti sa aking munting turan sa kanya.

"Ubusin mo muna ang mga iyan, at magpakabusog ka...
Saka ko na ikukwento kung sino sila, kapag busog at nakapag pahinga ka na ng kaunti..."
Makahulugan ang kanyang ibinibigay na titig.
May kunting pagkabahala ang mababakas sa kanyang mga mata.
Bakit nga ba?....





Ang Hiwaga ng GubatWhere stories live. Discover now