KABANATA 11: BUMALIK KA NA

9 4 0
                                    

Naimulat ko kaagad ang mga mata ko,
Matapos kong maramdaman ang sinag ng araw na tumatama sa balat ko.

Marahan akong tumayo.
Iniunat ang mga braso.
Bahagya pang kinusot ang mga mata ko,
Para tuluyang makakita ng maayos.

Panibagong araw na naman.
Panibagong araw ng paghahanap ko sayo.
Pero ito pa rin ako at parang walang kapaguran.
Umaasang ikaw ay akin ng matatagpuan.

Kumain lang ako ng biskuit na dala ko.
Uminom ng kunti sa tubigan ko.
At hinayaang makapagpahinga ng kunti ang katawan ko.

Sigurado kasi akong wala na namang pahinga ang araw na ito.
Magpapaikot-ikot sa buong kagubatan.

Titingnan kung may naiwang bakas, na makapagtuturo sayo.
Makapagturo ng kinaruruonan mo.

Nung isang araw pa nung huli kong punta sa kubo.
Panggalawang araw ko na ata itong paglalakad papunta sa ilog.

Doon magbabakasakali rin akong mapadpad ka.
Baka naisipan mong maligo o mamasyal.
At mapagawi doon

~~~~~~

Hindi pa man ako nakakarating sa mismong ilog,
Ngunit kahit sa malayo'y naririnig ko na ito.

Naririnig ko na ang lagaslas ng tubig roon.
Kaya sigurado akong mabilisang lakaran na lang ang gagawin ko,
Makapunta lang doon.

At sa aking paglalakad, patuloy pa rin ako sa pagputol ng mga sangang aking madaraanan.
Nagiiwan ng markang ito'y nadaanan ko na.

Malayo pa man ngunit nadarama ko na ang lamig at presko ng hangin.
Pakiwari ko'y dulot ng malamig na tubig sa ilog.

Kumpyansa akong malapit na ako.
Malamit na ako sa sunod na distinasyon ko.

Pagkatapos kasi ng pagpunta ko sa kubong iyon.
Mas pinili ko munang panandaliang mamalagi roon.

Inabutan na kasi ako ng gabi,
Kaya dun ko na naisipang magpahinga.
At kinabukasan na lamang magpatuloy sa paghahanap sa kanya.

Di naman ako nagkamali.
Dahil pagkagising ko nga'y nagtuloy na ako sa paglalakad ko.
Para hanapin ang babaeng mahal ko.

Inabot nga lang ako ng dalawang araw sa paglalakad papunta rito.
Dahil kasi sa panginginig ng mga binti ko.
Pero pinilit ko pa rin ang sarili ko kahit mabakal lang ang pagusad ko.

Mas mabuti na ang mabagal.
Basta ba sinubukan ko.
Kahit iika-ikang maglakad, nakaabot naman na ako dito.

Mabilis lang na lumipas ang oras.
Inabot pa ako ng isa't kalahating oras para makarating sa may pampang ng ilog.

At mula nga sa kinatatayuan ko nadarama ko na agad ang lamig ng paligid ko.
Hindi dahil sa klima kundi dahil sa samyo ng tubig.

Iginala ko naman agad ang mga mata ko.
Umaasang narito ka rin sa lugar na ito.

Umaasang magkikita na tayo...
Ngunit mukhang pinapahirapan ata ako ng tadhana.
Pinaglalaruan niya rin ang aking pandama.

Patuloy na dinaraya, nang aking nakikita.
Wala ka pa rin kasi sa aking kinalalagyan.

Muli na naman ata akong maglalakad.
Subalit sa puntong ito,
Sasadyain na kita sa palasyo mo.

Ang palasyo na nababagay lamang sa prinsesang kagaya mo.
Ang palasyo na magiging tirahan natin kapag nakita na kita.

Pero siguro'y magpapahinga muna ako dito.
Mangungulekta ng sangkatirbang lakas ng loob.

Lilikumin ang natitira ko pang lakas.
Para gabayan ako papunta sa kinaruroonan mo.

Hayaan mo munang kalmahin ko ang sarili ko.
Hayaan mong ipahinga ko ang puso ko.

Di ko na kasi alam kung anong nangyayari sa kanya.
Para kasing ang tulin niya ng magsirkyula.

Hahaha kahusa ata 'to nung pagalis mo.
Kahit kasi yung puso ko binitbit mo.

Kaya maawa ka naman na oh'.
Parang awa mo na ibalik mo na ang puso ko.
Bumalik ka na para mabuo na ang pagkatao ko.

~~~~~~

Nakatulog pala ako...
Hindi ko man lang napansin yun.
Siguro magaala-sinco na ng hapon.

Kaya ang kalangitan ay nagkukulay kahel na naman.
Pinapaalala ang katapusan ng araw.

Tumayo na ako at ipinagpag ang pantalong suot ko.
Siguro'y dapat na akong magpatuloy.

Panigurado kasing lalamigin ako dito masyado, kung dito pa ako magpapalipas ng gabi ko.
Kaya kahit paunti-unti maglalakad na naman ako.

Magpapatuloy sa paghahanap sayo.
At ang sunod na pupuntahan ay ang palasyong tahanan mo.

Aabotin na naman ako panigurado ng ilang araw bago pa ako makarating sayo.
Makarating sa kinalulugaran mo.

Pano ba naman kasing purong kalyo na ang mga paa ko.
May kukunting galos na rin ang mga kamay ko.

Kawasa ng paminsang pagkakasabit sa sanga ng mga kahoy.
Kahit ang damit ko'y nagkakapunit-punit na rin.

Subalit ang patpat kong hawak ay nananatiling aking kasama.
Nananatiling aking taga protekta.

Pangalalay sa matatarik na daan.
Panghambalos ng nagkakapalan at nagtataasang talahib na aking madadaanan.

Pangwasiwas sa masukal na daan.
Palawit sa mga dahon upang magsilbing aking pananggalang sa ulan.

Hindi niya ako iniiwan.
Hindi niya ako hinahayaang mapagiwanan.
Kasama ko siya mula sa simula,  magkasama rin kaming lalabas sa lugar na ito.

Kung parang sira mang pakinggan.
Ngunit yun ay purong katotohanan.

"Ang munting patpat na ito,
Ay akin na ngayong imahinadong  kaibigan.
Kaibigang hindi mangiiwan."

Kaibigang hindi man buhay, pero mas masahol pa sa mga taong buhay...

Kaya sana bumalik ka na.
Balikan mo na ko sinta...
Para makilala mo na ang imahinado kong kaibigan.



Ang Hiwaga ng GubatWhere stories live. Discover now