KABANATA 14: ANG KWENTO

12 4 0
                                    

"Hindi nagtagal si sir Andrew ay nakatagpo ng isang dalaga. Ito ay nagngangalang Alula Saffron na galing sa ordinaryong pamilya lamang.

Mabait ito, maganda, matalino at mahinhin. Simple lang din ito kung manamit. Tinanggap rin niya si sir Andrew ng buong puso, hindi na nagabalang kwestiyunin ang pinangalinang angkan.

Kaya kahit sa madaling panahon pa lang nilang pagkakakilala ay nahulog na agad sila sa isa't isa. Umakyat agad ng ligaw si sir Andrew kay  Lady Saffron na hindi na pinatagal pa ang pagliligawan nila at sinagot na agad ang binata.

Lumipas ang mga taon ng magpasiya na nga silang magpakasal. Pareho na rin kasi silang nasa edad na dalawampot lima nung mga panahong iyon.

Sa kabilang banda naman ang kanyang amang naiwan ay nabaliw at tuluyan ng nagpatiwakal. Marahil ay hindi na nito masikmura ang kahalangan ng kaluluwa dahil sa pagpaslang sa kanyang may bahay na si Lady Christina.

Matapos ang kasal, nabalitaan kaagad ito ni sir Andrew at sinabi ng kanilang abugado na sa kanya ipinamana ang mansyon na naiwan ng kanyang mga magulang. Kaya't lumipat agad sila roon at binago ang masalimuot na nakaraan ng mansyong iyon.

Masaya naman silang magasawa sa buhay. Tama ng isang negosyo lamang ang hawak ni sir Andrew habang ang iba ay hinayaan na niyang ang abugado nila ang mamahala sa iba pang naiwan ng kanyang ama.

Di din nagtagal ng mabiyayaan sila ng anak na lalaki na pinangalanan naman nilang Abbe Alessandro Maximo."

"Eh Hilda wag mo hong sabihin sakin na may kahulugan din ang pangalan niya?..."
mapagbiro kung turan upang subukang pababain ang namumuong kaba sa akin.

"Oo tama ka iho, dahil ang pangalan niya ay nangangahulugan lamang na 'Nobleman's Warrior'. Ayun na rin sa kagustuhan nilang magasawa.

Makalipas ang dalawang taon ng maisipan ulit ng magasawa na muling magkaanak. Hindi naman sila nahirapan at sa pagkakataong iyon ay pinalad pa sila at biniyayaan naman sila ng kambal na babaeng sangol.

Iyan, tignan mo ang litrato ng panghuling hanay. Sila ang kambal na anak ng magasawang sir Andrew at Lady Saffron."
muli niyang wika at saka itinuro ang dalawang panghuling larawan.

Pinagmasdan ko ito ng mabuti.
Hindi sila magkamukha,
Marahil ang bunso lang ang naging kamukha ng kanilang Inang si Lady Saffron.

"Ang larawan sa katabi ng litrato ni sir Abbe ay si binibining Ainsley Nicole Maximo. Ang pangalan naman niya ay galing sa magkaibang salita dahil ang Ainsley ay nangangahulugang 'pansariling damuhan o parang.'

Ang Hiwaga ng GubatWhere stories live. Discover now