KABANATA 6: HAHANAPIN KITA

10 4 0
                                    

Para akong sundalong walang sariling armas.
Bitbit lang ang sarili, sa digmaang wala man lang akong laban.

Baon lang ang lakas ng loob.
At ang kakarampot na pagasang sa aking paguwi, ikaw na ay aking bitbit.

Hindi ko alam kung gaano na ba ako katagal na naglalakad sa gubat na ito.
Siguro'y lagpas tanghali na nung huli kong masilayan ang labasan.

Nahihintakutan man ay mas pinili kong sumugal.
'Pinili kong sumugal dahil alam kong sayo ako magiging masaya...'

Tanging nagtatayugang mga puno ang makikita mo rito.
Mga nagtataasang damo.
At mga huni ng insekto,
ang nasa loob ng kagubatang ito.

Narun din ang alulung ng mga hayop na nanggagaling sa hindi ko malaman kung saan.
Ang mga hamog na nagsulputan sa kapaligiran.

Nakakabingi ang katahimikan.
Nakakakilabot ang kasulok-sulokan.
Mabuti na lamang at meron akong munting patpat.
Na sapat na para sa kanila'y maging panandaliang pantapat.

Hindi ako sigurado kung asan na ba ako.
Pero masasabi kong hindi pa ito ang pusod ng kagubatang binabaybay ko.

Ilang beses na ba akong natalisod.
At ang malala'y muntik na rin akong mahulog.

Sa kabutihang palad nama'y hindi pa ako ginugulo ng mga hayop.
Siguro'y nagaabang lang sila ng tamang tiyempo.

Pero ganun pa man, pinipilit ko na lang ipagsawalangbahala ito.
'Kinukumbinsi ang sarili na pagkatapos ng pagsubok na 'to,
Ay magiging masaya na ako...
Sa piling mo.'

***

Ilang beses ko na bang sinusubukang palakasin ang loob ko?.
Ilang ulit ko na rin bang sinabi sa sarili kong magiging maayos din ang lahat?.

Marahil ay hindi ko na mabilang sa mga darili ko.
Dahil sa daming beses ko ng kamuntik-muntikan na pagsuko.
Dahil sa kawalang pagasang ikaw ay aking makikita pa.

Malayo na rin ang nararating ko,
Ngunit alam kong hindi pa sapat para makarating sa pusod nito.
'Hindi pa sapat dahil, wala ka pa sa tabi ko...'

Papalubog na rin ang araw dahil nakikita ko na rin ang pagkukulay kahel ng kalangitan.
Ang araw ay unti-unti ng namamaalam.
Kasabay ng bigla na lamang pagsulpot ng pagod ko.

Mabuti na lamang at merong malaking puno sa tabi ko.
Kaya huminto ako at umupo sa sanga nito.

Hindi alintana kung madudumihan ba nito ang suot ko.
Hindi alintana ang mga dahon sa paligid ko.

Ng ang aking likod ay nailapat sa puno.
Ang bag sa likuran ko'y panandaliang binaba sa gilid ko.

Gumawa ng apoy para magsilbing liwanag ko.
Lumikha ng panandaliang liwanag na sapat na para makakita ako.

Unti-unti na namang dumidilim ang kapaligiran.
Hindi ko na matanaw ang araw.
May mangilan ngilan na ring mga bituin ang naglipana.

Ang mga ibong pang gabi'y nagsiliparan na.
Mga kuliglig na nagsisi-awitan pa.
Mga hayop na nagsisi-ingayan din.

Hindi ko ikakailang natatakot ako.
Pero pilit kong nilalabanan yun para sayo.

Kumusta na kaya si Inay?.
Marahil ay kasalukuyan na siyang kumakain ngayon ng hapunan.

Kung tatanungin nga rin ako'y, meron din akong mga dalang pabaon ni Inay.
Dahil sabi niya'y baka raw kumalam ang sikmura ko.

Pero sa kadahilanan ay wala akong gana.
Kailan ba kasi kita makikita?.
Kailan mo ba maiisipang magpakita?.

Marahil ay gusto mo muna akong maghirap.
Gusto mo rin atang suyurin ko ang buong kagubatang ito.
Para lang mapatunayang totoo ang nararamdaman ko.

Nalilito na ko.
Gulong-gulo na ang isipan ko.
Hindi ko rin mawari kung ano ba dapat ang maramdaman ko.

Kung dapat ba akong magalit?.
Mainis?,
O baka dapat bang magkunwari na naman akong muli?,
Para pagtakpan ang lungkot ko.

Napatingala na lamang ako sa kalangitan.
Nakita ang buwan na ngayon ay muli na namang nagparamdam.
Ang mga bituing nababalot ng pagdaramdam.

Marahil ay sila na muna ang makakasama ko, para sa gabing ito.
Kasama na ang mababangis na hayop sa paligid ko.

Maging ang mga punong abot kamay ko lang dahil sa dikit-dikit nitong espasyo.
Mga ligaw na damong magsisilbing kama ko.
At ang bag ko na panandaliang magiging unan ko.

Iisipin ko na lang na bukas paggising ko'y makikita na kita.
At makakauwi na rin akong kasama ka.

~~~~~~

Nagising na lamang ako ng dahil sa sikat ng araw.
At ang una ko ngang nakita ay ang malagong dahon ng isang puno.

Bumangon na rin ako,
Kinusot ang mga mata.
At iniunat ang dalawang braso.
Hindi na rin umuusok ang apoy na ginawa ko.

Panibagong araw na naman.
At muling ipagpapatuloy ang paghahanap sayo.
Kahit na hindi ko alam kung hangang saan ang itatagal ko.

Mabuti na nga lang at buhay pa ako.
Mabuti na rin at walang nagtangkang hayop na sakmalin ako.

Hinayaan ko lang munang maging kampante ang mga mata ko.
Minasahe ang mga binti ko,
Dahil alam kong mahaba-haba na namang lakaran ang gagawin ko.

Kumain na rin ako ng biskuit para magsilbing umagahan ko.
At naghanda na para sa paglalakbay ko.

Hindi pa man ako nangangalahati papunta sa gitna ng gubat.
Pero hindi ako mawawalan ng pagasang makikita rin kita.

Muli kitang masisilayang tumakbo papunta sa direksyon ko.
At muli kong makikita ang mga ngiti mo.

Yung mga mata mong kumikinang.
Habang suot ang kuronang bulaklak sa ulohan mo.

'Kaya hahanapin kita.
Kahit ano man ang mangyari.
Hahanapin kita hangang sa ikaw na mismo ang magpakita sakin sinta...'

Ang Hiwaga ng GubatWhere stories live. Discover now