KABANATA 3: KUBO

19 4 0
                                    

Pagkalabas ng bahay,
nagpaalam lang kay Inay,
At saka na humayo sa aking paruruonan.
Hindi alintana ang init ng araw,
Na tumatama sa balat.

Hindi alintana ang katahimikan ng kapaligiran.
Ako ay nagpatuloy na sa paglalakad.

Suot ang unipormeng kupas.
Ang sapatos na luma na ang swelas.
Suot ang bag sa likuran.
Bitbit sa isang kamay ang baonan.
Hindi inalintana ang kapaligiran.

Heto na naman ako,
Maglalakad sa daang napakalawak ng espasyo.
Hindi alam kung hangang saan aabot ang mga tingin ko.
Hindi alam kung saan aabot ang isang ako.

Binilisan ko na lamang ang mga hakbang ko,
Para hindi na mahuli sa klase ko.
Isinawalang bahala ang mga nakikita ng mga mata ko.
Ipinagsawalang bahala ang nasa paligid ko.

***

Pagkatapak sa paaralan,
Agad na iginala ang  paningin.
Iba't ibang klase ng tao ang makikita mo.

Mayaman, mahirap,
Maitim, at maputi.
Suot ang kanilang mga damit pangeskwela.
Bitbit ang mga gamit sa parehong mga kamay.

Mahahalata mo ang kanilang naguumapaw na diterminasyon.
Mga katawan nilang nananatiling lumalaban,
Kahit na napapagod.

Itinuwid ang tingin,
Lumakad ng matulin.
Binaybay ang silid.
Winaglit ang paligid ng sandali.

At dun inilaan ang mga oras.
Panandaliang iniwan ang palaisipan,
Sa aming tahanan.

***

Mga oras ay nagdaan.
Minuto ay nilamon na ng nakaraan,
Sigundo ay ibinaon na sa aming silid aralan.

Uwian na, at ako nama'y nanatiling tulala sa aking upuan.
Magisang naglakbay sa gitna ng  kalawakan.

~~~

Inabot ang mga kamay niya,
At ako'y itinayo na.
Mga ngiti sa kanyang mga mata,
Ay hindi mabura bura.

Kagalakan na ngayon mo lang makikita sa kanya.
Kaya ito na lamang ay hinayaan na.
Ngunit narun ang takot na baka siya ay akin na lamang mabalewala.

May takot na baka siya ay masaktan.
May takot na baka siya ay mawala.

Mabagal kaming naglakad sa malawak na damuhan.
Habang hawak niya ang aking palapulsuhan.

Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman.
Hindi maipaliwanag ang kaba sa aking isipan.

Wala sa sariling hinila ko siya.
Hinila na lang ng bigla.
Na para bang  natatakot akong siya ay bigla na lang mawala

Niyakap siya ng mahigpit,
Na para bang sa kanya ay wala ng papalit.
Habang napapangiti ng mapait.

Hindi ko alam kung bakit ba ko nagkakaganito.
Hindi ko alam kung bakit gusto ko lang mapalapit sayo ng tudo.

Marahil ay natatakot akong bigla mo na lang akong iwan dito.
At siguro rin ay natatakot lang akong muling makaramdam ng pagiisa, sa mundo ko.

Ang Hiwaga ng GubatWhere stories live. Discover now