KABANATA 10: WALA KA

10 4 0
                                    


Ito na ang pinakahihintay ko.
Narating ko na ang lugar na hinahanap ko.
Ang sukli sa lahat ng kapaguran ko.

Marahil isa pa lang 'to sa mga lugar sa panaginip ko...
Ngunit umaasa akong nandito ka lang mahal ko.

Nagtatago sa sulok,
At nagmumukmok.
Dahil sa damdaming naghihimutok...

Ito na...
Nandito na ako sa harap ng munting kubong ito.
Katulad lang nung dati'y, wala pa rin itong pinabago.

Ang sira-sirang bubongan.
Ang gawa sa pinagtagpi-tagping pawid na harang.
Maging ang palatandaan ng kalumaan.

Kinupas ng panahon.
At nilamon na ng sibilisasyon.
Kaya nagpasya na lamang na limotin,
At ibaon na lang sa kahapon.

Ito na...
Totoo na ito sa pagkakataong 'to.
Hindi na lamang basta panaginip 'to.
Hindi na 'to isa sa mga kalokohan ko.

Kasalukuyan na talaga akong Nakatayo sa harap ng munting kubong ito.
Habang inaalala ang kahapong magkasama pa tayo.

Kung dati nga lang, marahil ito'y nagmumukha pang buhay kung titignan,
Ngunit ngayo'y tuluyan na talaga 'tong nagmukhang abandunado.

Sandali ko pa itong pinagmasdan sa labas.
Umaasang narun ka na sa loob.
Nakaupo sa duyan.
At hinahayaan ang mga paang itulak ang sarili paitaas.

Lumakad ako papasok...
Hindi na inalintana ang kaba sa dibdib ko.
Hindi na inalintana ang katahimikan ng lugar.

At sa aking pagpasok, hindi ko inaasahan ang makikita ko.
Kaya labis na lamang akong natakot sa nadiskubre ko.

Ang dating mga upuang kahoy,
Ngayo'y napalitan na ng mga sira at nagkalat na parte ng kahoy, sa papag na sahig.

Napagawi ang aking tingin sa mumunting duyan na dati'y nakakaagaw ng atensyon,
Subalit ngayo'y tanging pinagtagpi-tagpi na lamang na lubid ang iyong makikita.

Ang duyan na madalas mong upuan.
Habang itutulak ang sarili ng malakas paitaas.
Ngayo'y tanging mga sapot ng gagamba na lamang ang nakatira.

Kung dati'y ang saya pa nitong pagmasdan.
Ngunit ngayo'y tuluyan ng kinain ng kalungkutan.

Ang iyong mga tawa ay naririnig ko sa aking isipan.
Habang mga imahe ng nakaraan, ay nakikita ko kahit saan.

Ang kurona mong bulaklak,
Na nagiiwan sa ilong ko ng halimuyak.
Ang mga mata mong nangungusap.
Na dinadala ako patungong alapaap.

Ang kutis mong porselana,
Na bumabagay sa ganda mong walang makakapantay.
Habang ang mga kamay,
Ay marahang ikukumpas.

Mga labi mong walang kupas.
Nangungusap na aking tingnan.
Nakakaliyo ang iyong bango,
Para bang dinadala ako sa ibang mundo.

Ngunit mas pinili mong umalis.
Hinayaan ang mga litrato sa nakaraan na kupasin ng kasalukuyan.

Hinayaang ako'y maligaw.
Na sa panaginip ay muling mapasayaw.
Habang kadiliman ay tumatanglaw.

Hinayaan mo akong magisang maglaro sa kalawakan.
Habang katahimikan ang tanging nasa sanlibutan.

Ang mga ulap na nagsilbing karamay.
Ang mga bituin na ikinakaway ang kanilang mga kamay.

At ang mga patak ng ulan.
Na nagsilbing luha sa madilim na daan.
Na ang tanging karamay ay ang mga alaala sa nakaraan.

Nakakatawang pagmasdan ang buwan.
Parang tangang pinipilit ang sariling ibagay sa kanyang kapaligiran.

Parang ako....
Sinusubukang abotin ang hindi naman talaga akin...
Sinusubukang makibagay sa mundo mo.
Kahit imposibleng ako'y makapasok dito.

Napapangiti ng mapait...
Sinusubukang punan ang paghihinagpis.
Umaasang nakikita mo akong hapis na hapis.
Ng dahil sa labis na sakit.

Nandito na ako...
Bumalik na ako...
Pero asan ka na, bakit wala ka dito?.

Ang saklap lang isipin na umasa  na naman ako.
Umasang nandito ka lang sa kubong ito.
Pero wala ka dito.

Wala ka...
Pano pa kaya ang isang "ako"
Kung pati ang mundo ko ay lilisanin mo?.

"Huwag naman sanang ganito.
Wag mo kung iwan kasi gusto mo.
Balikan mo ko kasi yun yung pangako mo...
Kaya sana tuparin mo."

Wag mong hayaan na magi tayong parang isang Duyan.
Marahil ay nakakapagbigay ng panandaliang kasiyahan.

Maaaring makapuno sa mga pagkukulang...
Ngunit maaari rin itong mapatid.
At tuluyan na bumigay dahil sa lakas at sa sobrang pwersa sa pagtulak.

Wag mo naman sanang sobrahan ang tulak.
Kasi kapag ito'y naputol,
Maaari mo mang ibalik sa dating ayos,
Pero kung tititigan mong mabuti'y narun pa rin ang pinagtagping bigkis.

Nandun pa rin ang lamat ng kahapon.
Na dadalhin kahit saanmang dako maparoon.

Pero sa ngayon iisipin ko na lang munang nasa palasyo ka lang,
O baka nasa tabing ilog at nagpapahangin,
Habang marahang tinatangay ang iyong buhok.

Suot ang bistidang puti...
Na bumabagay sa iyong kutis.
Maging ang kurona mong bulaklak ay nasa iyong ulohan.

Iisipin ko na lang na nasa kwarto ka lang ng iyong palasyo.
Nagpapahinga habang nakatanaw sa malayo.

Naghihintay sa aking pagdating,
Upang ika'y muling sagipin.
Ng tuluyan ng ika'y makapiling.
Hindi na sa panaginip, kundi ito'y atin ng tototohanin.

Wala ka sa loob ng kubong ito.
Ngunit wag kang magalala hindi ako mapapagod sa paghahanap sayo.

Hahanapin kita hanggang sa makita na kita.
Iindahin ang pagod na maaaring madama.
Para lamang tayo'y muling magkasama.

Sa puntong yun hindi na kita pakakawalan pa.
Hindi na ako makakapayag na mawala ka pa.
Dahil mamahalin na kita.

At hindi ko kakayanin kung ikaw ay mawawala pa.
Kaya iingatan na kita,
At sisiguradohing kong wala ka ng kawala pa....


Ang Hiwaga ng GubatWhere stories live. Discover now