KABANATA 16: PANAGINIP

14 4 0
                                    

Ito na...
Sisimulan ko na ang aking paglalakbay pauwi sa aming bahay.

Alam kong nagaalala na sa akin ng sobra si Inay,
Kaya uuwi na ako kahit hindi ko pa gusto.

Wala na naman kasi akong gagawin dito sa mansyong ito.
Wala naman kasi rito yung ipinunta ko.

Nandito ako ngayon sa sala ng mansyon.
Kaharap si Hilda habang pinapanood akong magagahan.

Kung susumahin ay may kusina naman sila,
Ngunit nalulungkot lang ako kapag nakikita ko ang sobrang upuan sa mesa.

Kaya mas pinili ko na lamang na sa saka na lang kumain.
Sinamahan naman niya ako't inasikaso.

Ngayong araw ko na napagpasiyahang umuwi sa aming tahanan.
Ngayon araw ko na napagdisesyonang magpatuloy sa aking buhay.

Hindi ko pa man lubosang natatangap na wala na talaga ang prinsesa ko.
Ngunit alam kong darating din ang araw na matatangap ko ng lubusan ang kaniyang pagkawala.

Hahayaan ko na lang siyang maging masaya.
Magpakasaya sa piling ng kanyang pamilya.

Siguro dun magiging okay na siya.
Siguro dun hindi na siya makakaramdam pa ng problema.

Sa ngayon ang tangi ko na lamang na hangad ay ang kapayapaan at katahimikan ng kaluluwa niya.

Tuluyan naman na sana siyang tumahimik.
Tuluyan naman na sana siyang makalaya sa nakaraan niya.

"Iho sigurado ka na ba talagang aalis ka na ngayon?"
seryoso at malumanay niyang bigkas.

"Oho aalis na ho ako, tutal naman wala ring saysay ang pagpunta ko rito kasi wala na naman ang hinahanap ko dito. At saka may naghihintay rin sakin eh."

Mapait akong ngumiti, habang pinipilit ang sariling lakasan ang loob.
Pinipigilan ko rin ang mga luha ko sa muli na naman nitong pagtulo.

Sa totoo kasi niyan mugtong-mugto ang mga mata ko dahil sa kakaiyak ko kagabi.
Hindi ko pa rin kasi lubos maisip na wala na talaga siya sa aking tabi.

Hindi ko maisip na isang panaginip lang pala ang aming pagkikita.
Akala ko kasi totoo na.
Yun pala pinaglaroan lang ako ng tadhana.

"Ganun ba, kung ganoon ay magiingat ka, at saka ipagbabalot kita ng pagkain ng sa ganun ay may makain ka sa iyong paglalakbay. At sana iyong nalaman mong kwento ay wag mo ng sabihin sa iba dahil wala naman sayong maniniwala."

"Salamat ho at saka bakit naman ho walang maniniwala sakin kapag kinuwento ko sa kanila ang tungkol sa lugar na ito..."

Naguguluhan ko na namang turan sa kanya.
Ito na naman ang kaba sa dibdib ko.
Nagsisimula na namang magkagulo ang sistema ko.

Ewan ko ba kung bakit pero nahihintakotan na ako sa pagkakataong ito.
Natatakot na ako sa mga maaari ko pang marinig mula sa kanyang bibig.

"Wala naman talaga kasing kapani-paniwala sa mga kwento mo. At pagkatapos nito ay magmumukha ka lang na katawa-tawa sa harap ng iba, kasi " panaginip lang ang lahat ng ito."  Kasinungalingan lang ang pagkakakilala nating dalawa at ang pagtatagpo niyo sa loob ng kagubatang ito. At sa oras na gumising ka maaalala mo man ang lahat patuloy ka namang mabubulag sa katotohanan sa iyong harapan..."

Ngumiti siya ng mapait.
Teka tama ba yung narinig ko?
Panaginip lang ang lahat ng ito?
Pero bakit ako nakakaramdam ng halo-halong emosyon ngayon?

"Teka, sandali lang ho, anong sinasabi niyong panaginip kung gayung nakakausap ko kayo at nandito ako sa harap niyo?"

"Kailangan mo ng umalis iho. Kailangan mo ng gumising at sa paggising mo'y magmimistula na lamang na isang panaginip ang nangyari sa loob ng kagubatang ito. Maaalala mo kami ngunit aakalain mo na lamang iyong isang panaginip. Kaya tumayo ka na riyan at lumabas na ng pintuan at sa oras na lumabas ka ng pinto magigising ka na sa iyong ilusyon."

Tututol pa sana ako pero tumayo na siya sa upuan niya at saka inabot ang aking bag at ang munting patpat ko.

Kinuha ko naman na iyon kahit naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari.
Nalilito na ako sa kung ano ba dapat ang paniniwalaan ko.

Muli na naman niya akong ginawaran ng malambing na ngiti,
Kahit mababakas mo doon ang labis na pagdadalamhati.

Iginiya niya ako papalapit sa pinto.
Habang mabibigat ang mga hakbang na aming ginagawa.

Ng tuluyan na kaming makarating sa harap ng pinto.
Ako ay napahinto at saka lumingon sa huling pagkakataon sa larawan ng prinsesa ko.

Pano ba yan prinsesa aalis na ako.
Mamamaalam na ako sayo.
At sa pagkakataong ito hindi ko na alam kung kailan tayo muling magtatagpo.

Sa pagkakataong ito maaaring wala ng balikan.
Wala ng lingonan sa oras na ikaw ay akin ng talikuran.

Pero sa palagay ko'y mas mabuti ng ganito.
Masaya ka na naman sa piling ng mga mahal mo,
Kaya ngayon pipiliin ko naman muna ang kaligayahan ko.

Pipiliin ko naman muna ang sarili ko.
Pipiliin ko naman muna ang tahanan ko kung saan narun ang Inay ko.

Muli akong humarap sa pintuan.
Habang hawak ni Hilda ang seradura.
At may ngiting ipinapakita.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto.
At ang nakakasilaw na liwanag ang bumulag sa buong mansyon.

Napatakip ako ng mga mata ko.
At naghintay ng ilang sandali,
Para makakita ako ng tuluyan.

Ng buksan ko ang mga mata ko,
Hindi ko matanaw ang kalahati ng daanan.
Nababalotan pa rin kasi ito ng liwanag.

"Oras na para umuwi ka na iho. Kailangan ka na ng Ina mo kaya sana piliin mong gumising na sa pagkakataong ito."

Makahulugan siyang ngumiti sakin.
Ngumiti rin ako pabalik sa kanya.

Saka tuluyan na ngang inihakbang ang mga paa ko palabas ng pintuan sa aking harapan.

Ang Hiwaga ng GubatWhere stories live. Discover now