KABANATA 8: NANDITO NA AKO

7 4 0
                                    


Ito na.
Nandito na ako, sa gitna ng kagubatan.
Nasan ka na?.
Magpakita ka naman na sana.

Ito na ang umpisa ng totoo kong paglalakbay.
Ito na ang umpisa ng pagbabago sa aking buhay.

Inihakbang ko ang mga paa ko.
Inilibot ang mga mata ko.
At doon ko nga nakita ang lugar na minsan na nating naging tagpuan.

Ang malawak na damuhan.
Sa gitna ng kagubatan.
Ang mga nagtataasang puno sa kapaligiran.

At ang mga bulaklak na ngayo'y nalalanta na.
Yung mga paru-parong nagsisialisan na.

Ewan ko ba kung bakit pero, nung umalis ka'y naging ganito na sila.
Para bang sa iyong pagalis.
Isinama mo na ang lahat.

Maging ang ating mga alaala'y nagmistula na lamang na isang magandang panaginip.
Ang lobong itim ay hindi ko na muli pang nakita.

Ang kurona mong bulaklak ay nawala na.
Ang mga dahon ay nagsisipaglaglagan na rin.
Tila ba'y nakikiramay sa atin.

Tumakbo ako papunta sa gitna.
Hindi na inalintana ang init ng araw na tumatama sa aking balat.
Hindi na inalintana, ang katahimikang namamayani sa aking kapaligiran.

Sumigaw ako...
Sinubukan kong isigaw ang pangalan mo,
Pero tila ba'y nagmistula na lamang yung isang bulong.

Bulong na walang sino man ang nakakarinig.
Tinangay lang ng hangin, sa iba't ibang direksyon.
Nilamon ng katahimikan ang kaawa-awa kong boses.

Nagtatakbo ako sa madalas nating puntahan.
Sinuyod ang lahat ng sulok ng kagubatan.

Yun ay dahil akala ko'y naandun ka lang.
Nagtatago kasi gusto mo lang magisip.

At ito na naman.
Niloko ko na naman ang sarili ko.
Pinaniwala sa kasinungalingang magkikita pa tayo.
Kahit alam kong malabo na yung nangyari pa.

Lakad takbo ang aking ginawa.
Maging ang gabi'y ginawa ko ng araw.
Umaasang sa pamamagitan nun ay mapapabilis ang ating muling pagkikita.

Hangang sa tuloyan na nga akong napagod.
Hindi na rin kinaya ng mga paa ko.
Ngunit sinubukan ko pa ring tumayo, at ihakbang ang mga paa ko.

Ngunit katawan ko na rin mismo ang umayaw.
Mga paa ko na rin mismo ang nagpumilit ng sumuko.
Kaya nagpasya na lamang akong umupo at magpahinga.

Inililinga pa rin ang paningin sa kapaligiran.
Umaasang magkakamali kang pumunta dito't isiping kumuha ng mga bulaklak.

Baka sakaling magkakamali ka ding hanapin ako.
Kasi namimiss mo na rin ako.
Kasi gusto mo ng magkita tayo.

Sino nga ba kasing niloko ko.
Sino nga rin ba ang naniniwala sa isang ako.
Wala naman atang kahit sino.

Hangang sa tuloyan na akong nilamon ng antok.
Nilamon ng katotohanang lumihis ka na sa mundo ko.

***

Pagkamulat ng mga mata ko, nagulat ako sa nakita ko.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

Tila ba'y namamalikmata na naman ako.
Kaya kinusot ko ang mga mata ko,
Baka sakaling hindi ito totoo.

Pipikit-pikit ko itong tiningnan at sa huling pagkakatao'y tinitigan ko ito ng matagal.
Habang marahang sinasampal ang sarili.

Bakit ako nandito?.
Anong ginagawa ko sa tapat ng palasyo ng prinsesa ko?.
Bakit para atang nagkaganito ito?.

Ang dating may buhay na palasyo,
Ay nagmistula na lamang museo.
Museo dahil sa luma, at sa dami ng mga gamit ditong sira-sira.

Para bang matagal na itong iniwang nakatiwang-wang.
Inabanduna na ng may-ari,
Ngunit sa pagkakatanda ko'y hindi ito ganito.
Nung huling punta namin dito.

Hindi pa yun tumatagal, kaya bakit ito bigla na lang naging ganito.
Asan na yung prinsesang dating nakatira rito?.

Asan na yung babaeng nakasuot lagi ng kuronang bulaklak?.
Yung laging nakasuot ng mga bistidang iba-iba ang kulay?.

At ang palasyong ito ay tila ba'y kinupas na ng panahon,
At nilimot na ng pagkakataon.
Saka naisipang ibaon na lang sa kahapon.

Katulad na lamang ng mga alaala nating dalawa.
Mas pinili mo yung itapon na parang basura,
Kaysa ingatan at pahalagahan at dalhin hangang sa ating kasalukuyan.

~~~~~~

Iminulat ko kaagad ang mga mata ko.
Yun na naman...
Yung tagpong yun na naman.
Ano ba kasing nais mong ipahiwatig?.

Meron ka bang gustong sabihin sakin?.
Kung meron man, nakikiusap ako sayo.
Sabihin mo na naman sakin yun.

Naguguluhan na kasi ako.
Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko.
Kung tama pa ba 'to,
O baka naman ako na lang yung nagiilusyong meron pa talagang matatawag na ''tayo", kahit yung totoo'y bumitaw ka na.

Mas pinili mong umalis.
Mas pinili mong lumayo, para tuluyan ng makalaya sa isang "ako."

Ito na ako...
Nandito na ako.
Nagbabakasakali na namang matagpuan ka.
Kahit alam kong yun ay malabo ng mangyari pa....

Ang Hiwaga ng GubatWhere stories live. Discover now