KABANATA 13: LIHIM

11 4 0
                                    

Pinakatitigan ko ng mabuti ang panghuling larawan.
Ang larawan ng bunsong anak ng kanilang angkan.

Hindi ko alam kung bakit pero iba ang nararamdaman ko sa kaniya.
Parang nagkita na kami, pero hindi ko matandaan kung kailan.

Siguro dahil lang sa kamukha niya ang prinsesa ko.
Siguro naandito lang siya sa isa sa mga kwarto.

Nagpapahinga.
O baka natutulog lang siya?.
Pero siguro nasa harap siya ng salamin niyaat nagaayos na.
Muli na naman kasi kaming magkikita.

"Iho ano nga pala ang ipinunta mo rito sa masukal at ganito  kapanganib na lugar?"
Napatingin naman ako sa harap ko matapos nitong magsalita.
Akala ko nga ay iniwan na niya ako dahil sa katahimikang  pinapakita niya.

"Ah, may hinahanap lang po ako."
'Kasi tinangay niya yung puso ko...'

"Siya ba?. Iyang nasa larawan bang iyan?"
Saad niya at saka itinuro ang panghuling litratong nakasabit sa dingding.

"Hindi ko po sigurado kung siya ba iyon, ngunit kamukha niya ang sadya ko rito."

Alanganin siyang ngumiti at saka napapabuntong hininga na lamang.
Ano ba 'to?,
Bakit ako kinakabahan ng ganito?.

"Marahil ay siya nga ang hinahanap mo iho. Maaari mo bang sabihin sa akin kung ano ang mga katangian niya para makasigurado ako."

"Oho sige ho.
Lagi ho siyang nakasuot ng mga bistidang iba't iba ang kulay,
Ngunit kadalasa'y pula ang kaniyang kasuotan.
Meron din siya laging suot na kuronang bulaklak,
Sa tuwing kami'y magkikita."
Napapangiti kong sambit sa kanya.

"Ganun ba, marahil ay siya nga ang hinahanap mo. Pero kasi wala na siya dito iho, ngunit maaari kitang kwentuhan tungkol sa kanya, at maging sa kanyang pamilya kung gusto mo."

At muli akong napasimangot.
Wala siya dito,
Pero saan siya pwedeng magpunta gayong ito ang palasyo niyang tirahan.

"Asan ho ba siya Hilda, maaari ko bang malaman kung saan siya narun at saka niyo na lang ho ako kwentohan pagkatapos."

"Wag kang magalala nandito lang siya sa paligid.
Baka nga nasa likuran lang iyon ng mansyon at nagliliwaliw magisa, kukwentohan muna kita para naman makilala mo siya..."
makahulugan niyang sabi habang alanganing ngumiti sakin.

"Huwag ka sanang mabibigla sa malalaman mo iho, pero kailangan mo ng magising at bumalik sa inyo bago pa mahuli ang lahat."

"Ho?, bakit ho ano ba ang nangyayari at gusto mong gumising na ako, gayong gising naman ako at magkausap pa tayo. At saka hindi ko pa nga nakikita ang prinsesa ko."

At ayun na naman.
Yung makahulugang ngiti na naman ang iginanti niya.
Ano ba lasing nangyayari at parang gusto niya ata akong lituhin.

Hindi niya ako sinagot, at sa halip ay iginala ang kanyang paningin sa aming paligid.
Isa-isang tinitignan ang mga larawang nakasabit sa dingding sa aming gilid.

Ang Hiwaga ng GubatWhere stories live. Discover now