Part 1

28.6K 365 5
                                    

San Diego, California

"BUDDY, don't you think you're focusing so much on your past that you are actually missing your future?" Natigil sa akmang pagsasalin ng alak sa wine glass si Caleb nang marinig ang sinabing iyon ng pinakamatalik niyang kaibigang si Evan na kagaya niyang Filipino-American.

Kasalukuyan silang nasa veranda ng mansion nito at pinagmamasdan ang mga batang nagkakasiyahan sa malawak na lawn dahil sa first birthday ng anak nitong si Jeremy.

Nagsisikip ang dibdib na naglihis si Caleb ng tingin nang makita niya ang tila kuntentong anyo ng asawa ni Evan habang karga ang nag-iisang anak ng mga ito. He could have had his own family now... He could have had a child of his own if only... He breathed painfully.

"Don't start again, man." Sagot niya nang makabawi. Mula kasi ng mag-asawa si Evan, naging madalas na ang pagrereto nito sa kanya sa iba't ibang babae dahil gusto raw nitong makalimutan niya ang nakaraan at para maranasan niya rin daw ang sayang nararamdaman nito. He smiled bitterly upon the thought. If only Evan knew that his past was the only thing that was keeping him alive.

Magsasalita pa sana si Evan nang tumunog ang cell phone niya. Kumunot ang noo niya nang makita sa screen ang pangalan ng private investigator na inupahan niya sa Pilipinas.

"Siguraduhin mo lang na magandang balita ito, Rex." Bungad niya pagkasagot sa tawag. "You know how much I hate to waste my time."

"'Wag kayong mag-alala. Good news 'to, Sir. Your brother is getting married."

Sa kauna-unahang pagkakataon pagkalipas ng anim na taon, muling sumilay ang masayang ngiti sa kanyang mga labi. "Good news indeed, Rex. When?"

"Next month, Sir. It seems like Alaric is in a rush. Halos apat na araw pa lang ang nakalilipas mula nang mag-propose siya kay Gianna, ang bride-to-be." Lalong lumawak ang pagkakangiti niya. "I will send the other information together with the woman's pictures via mail, sir."

"No need." Napailing pang sagot ni Caleb. "Kabisado ko ang taste ng kakambal ko. I'll know when it's her."

"Okay, Sir. But the woman is quite fair, just so you know."

"Oh," Kinuha niya ang bote ng alak sa tabi ng kaibigan at doon na mismo direktang uminom. "So it's going to be Snow White and the Beast nuptial, huh? Interesting." Natawa si Rex sa kabilang linya pagkatapos ay nagpaalam na.

"I don't like that evil spark in your eyes, man." salubong sa kanya agad ni Evan pagharap niya rito.

Nagkibit-balikat siya. "An eye for an eye, a bride for a bride. It's revenge time, buddy."

"Alaric is finally getting married." Pagkumpirma nito. "So, babalik ka na sa Pilipinas?" Tumango siya. "At anong plano mong gawin? Hurt his fiancée? Or torture her perhaps?"

"Oh, come on." Ngumisi siya. He could sense the heat slowly rushing into his veins. He's finally back in the game. "You know I don't hurt women as punishment. I kiss them instead."

Trapped in a Vengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon