Part 24

7.8K 163 4
                                    

"WHERE IS MANANG ROSING?" Napaigtad si Gianna mula sa paghahalungkat sa cupboard ng marinig ang boses ni Caleb. Mula sa silyang kinatutungtungan niya ay sinilip niya ang lalaki. Salubong ang mga makakapal na kilay nito habang nakatingala sa kanya. Mabuti na lang at nakaalis na si Manang bago pa man ito lumabas ng kwarto nito.

"Pinauwi ko muna para mabantayan ang anak niya."

"What?!" Bahagyang tumaas ang boses nito. "Hinayaan siya ng mga gwardya?"

"Wala silang alam, okay? Walang dinala si Manang maliban sa wallet niya nang umalis siya. Ang paalam namin sa gwardya ay may nakalimutan lang siyang bilhin sa grocery." Napakagat-labi siya.

"Ano'ng oras 'yon?"

"Twelve to fifteen minutes ago." Namangha si Gianna nang sa isang iglap ay naglaho na si Caleb sa kanyang paningin. Mabilis na sinundan niya ito. Naabutan niya ito sa front door habang nagsusuot ng jacket.

"I don't care whatever her reasons are, Gianna. Susundan ko pa rin siya at ibabalik rito." Matigas na sinabi nito nang maramdaman ang presensya niya sa likod nito. "Binabayaran ko siya para-"

Nakikiusap na pinigilan niya ang lalaki sa braso. "Namatayan ng lalaking anak si Manang Rosing ilang taon na ang nakararaan kaya si Martha na lang ang meron sila ng asawa niya ngayon. And right now, the woman's in labor pain, you know that. Kaya tinulungan ko siyang makaalis."

"Dammit! How can the guards be so foolish-"

"See? Si Manang pa lang ang nawala, ganyan ka na makapag-react. Paano pa kaya ako na bigla na lang naglaho on my supposed-to-be wedding?" Hindi nakapagpigil na sinabi niya. "Malamang, mas matindi ang reaction ng mga naiwanan ko."

Ilang segundong tila naumid ang dila ni Caleb.

"All right," Marahas na napabuga ito ng hangin nang makabawi. "Pero paano tayo ngayon? Nganga?"

"Of course not." Mabilis na sagot niya. "I'll cook."

Umarko ang isang kilay ng binata. "You will?"

"Yup. Three minutes lang 'to." Aniya bago nagmamadaling bumalik sa kusina. Napangiti siya nang sa wakas ay makita ang hinahanap sa cupboard. Mabuti na lang at naalala ni Manang Rosing na mag-stock ng ganoon roon. Inilabas niya ang mga iyon at inilapag sa lamesa, tiyempo namang pagkasunod sa kanya ni Caleb ay nakita nito ang mga iyon.

"Cup noodles? Really?" Tila hindi makapaniwalang naibulalas nito.

Sandaling napayuko siya. "Fine, I suck at cooking department. But don't worry, marami namang flavors ang mga ito. May beef, batchoy, sotanghon at sea food. At least, makakapamili ka." Alanganing sinabi niya bago itinaas ang mga cup noodles. "So, alin dito ang gusto mong lagyan ko ng hot water?"

Trapped in a Vengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon