Part 2

12.4K 243 5
                                    

"MAY PROBLEMA AKO."

Kumunot ang noo ni Gianna na mas kilala bilang DJ Gie sa kanyang programang pinamagatang, Ask Gie sa radio station na kanyang pinapasukan na nagsisimula ng alas-siyete hanggang alas-nuwebe ng gabi.

Buong-buo ang boses ng lalaking sumagot sa kabilang linya. Ito ang ikatlo't huling caller niya para sa gabing iyon, mga caller na gustong magbahagi ng problema ng mga ito sa buhay. Suwabeng pakinggan ang boses ng lalaki kaya hindi niya maintindihan kung saan nanggaling ang kalamigan na tila biglang nanuot sa kanyang sistema nang marinig ang boses nito.

Naipilig ni Gianna ang ulo sa naisip bago muling nagsalita. "Okay. 'Mind sharing your story first so I can help? Pero bago ang lahat, pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"

"Well, others call me 'Jerk'. Pero dahil ito ang unang beses na nagkausap tayo, you can call me by my real name. I'm Caleb."

Napasinghap siya. "You let others call you 'jerk'?"

"Yeah." Parang balewalang sagot nito. "And I don't mind because I really am."

"Oh," Tanging nasambit niya. Sa tatlong taon mahigit na nagtatrabaho siya bilang disk jockey ay ngayon lang siya naka-encounter nang ganito kabrutal na kausap. At hindi maganda ang pakiramdam niya rito. Marahang tumikhim siya. "So, what's your story?"

"Well, kadarating ko lang mula sa California. And I'm here on a mission."

"Mission, huh?" Nawi-weirduhang ulit niya. "And what is that?"

"Malalaman mo rin." Muling bumalik sa pagkakakunot ang noo ni Gianna. Pero bago niya pa magawang magtanong ay mabilis na dinugtungan ni Caleb ang sinabi. "I'm a fan of yours. I will surely call again to let you know."

"Talaga? Salamat-"

"You're welcome." putol nito sa sasabihin pa sana niya. "Now, back to my problem. You see, there's this woman who will be a collateral damage once I continue this mission I was talking about. At hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad sa kanya sa mga pagbabagong darating sa buhay niya sa mga susunod na araw."

"Well... you can start apologizing to her now."

"Good idea." Mabilis na sagot nito. "Do you mind if I dedicate her a message?"

"Not really."

"Okay. To Gianna," Pakiramdam niya ay biglang nagtayuan ang mga balahibo niya sa batok nang malamang kapangalan niya pa pala ang sinasabi ni Caleb na magiging collateral damage sa misyong tinutukoy nito. The man was really starting to sound... creepy.

"I don't know if you're listening but I really hope you do. My apologies, sweetheart, but your life's gonna change from now on so be prepared for a roller coaster-kinda-ride. Hanggang sa susunod, DJ. Good night."

Bago pa siya makapagsalita ay nawala na ang lalaki sa kabilang linya. Busy tone na ang sumunod na narinig niya.

Pinilit niyang tumawa para kalmahin ang sarili. "Another weird caller for tonight, I guess. Pero salamat, Caleb sa pagbahagi ng iyong..." Sandaling hinanap niya pa sa isip ang tamang salitang idudugtong sa sinabi. "Misyon sa amin."

Trapped in a Vengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon