Part 15

8.6K 182 1
                                    

YOU HAVE TWO OPTIONS, man. A, take her away, drop her in the ocean and let the sharks take care of her or B, make her fall for you. That would devastate Ric.

Naidilat ni Caleb ang mga mata nang maalala ang mga sinabing iyon sa kanya ni Evan bago niya pansamantalang iniwanan rito ang pamamalakad sa mga hotel na pinagsososyohan nilang magkaibigan sa iba't ibang bahagi ng Amerika.

Pagmulat niya ay bumungad sa kanya ang mga mata ni Gianna. Kitang-kita niya ang pinaghalu-halong takot, pagkalito at pagkagulat na nakabanaag sa mga iyon dahilan para mabitawan niya ito. Para bang nanghihinang napaupo ito sa sahig. None of his plans included kissing her. Ni hindi niya nga sineryoso ang payo ng kaibigan noon pero aminado siyang wala pa siyang konkretong plano para sa bihag niya maliban na lang sa sirain ang nakatakdang kasal nito sa kapatid niya.

But when she said she hated him, it was as if she really... meant it. He didn't know why but the fear in her eyes and the disgust in her voice kind of affect him in ways he could never figure out. Kung titigan siya ni Gianna ay parang siya na ang pinakamasamang nilalang na nakilala nito and he knew he had to do something about it that's why he kissed her, hoping to somehow comfort her which didn't happen. Because it only made matters worse.

Damn it! Napailing siya bago isinenyas sa dalaga ang dalang tray ng pagkain na pansamantala niyang inilapag sa bed side table nang madatnan niya itong may kausap sa telepono.

"Kumain ka na." Mahinahon nang sinabi ni Caleb. "Alam kong hindi ka pa nakakapag-lunch simula nang dalhin ka ni Alaric sa boutique ng kaibigan mo."

"Salamat na lang." Malamig na sagot nito. "I'd rather starve myself to death."

Sa isang iglap ay nagawa niya na itong maitayo at hawak na niyang muli sa braso habang ang isang kamay niya ay nakasuporta sa baywang nito.

"Fine, mamili ka. Kakain ka o hahalikan kita ulit." Nauubusan na ng pasensiyang sinabi niya. Heck, if only she wasn't Gianna Rodriguez, if only she wasn't his brother's bride-to-be, he would really rather starve her to death and wouldn't even think twice about it! "Though to be honest, I'd prefer the latter. I mean, okay lang naman ang mag-diet paminsan-minsan, 'di ba?"

Napasinghap si Gianna bago ito nagpumilit kumawala sa kanya at mabilis na lumapit sa bed side table. Kinuha nito ang tray, dinala sa kama at doon nagsimulang kumain. "Lumayas ka na."

Ngumisi si Caleb. "Madali ka naman palang kausap." Tinungo niya na ang pinto at palabas na sana nang muli niya itong lingunin. "I'm a little disappointed, you know. I thought you'd prefer my kiss considering that it's limited offer only and I'm giving it for free."

Nagkulay-makopa ang mga pisngi ni Gianna. At bago pa makuhang rumatsada uli ng bibig nito ay maagap na lumabas na siya. Nang maisara niya na ang pinto, hindi niya napigilan ang amused na pagngiti, ang kauna-unahang totoong ngiti niya sa loob ng maraming mga taon.

Trapped in a Vengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon